NASA LABAS pa lamang sila ay batid na niyang marami nang bisitang dumating dahil sa ibat-ibang mamahaling uri ng sasakyang nakahalera sa labas ng mansion. Personal siyang pinasundo ni Arnold sa family driver ng mga ito para makapunta sa pagtitipon na nakalaan para kay Hercules, pero tumangi siya at nakiusap kay Alexa na samahan siya nito sa party. Wala siyang lakas ng loob upang magpunta ng mag-isa and she was thankful na hindi siya pinahindian ng kaibigan. Buong paghangang pinagmasdan ni Rana ang malaki, maganda at nakakalula sa karangyaang tahanan ng mga Cristobal na batid niyang tirahan na rin ng pinakamamahal niyang pamangkin. Mula sa garahe ng villa ay natanaw ng mga mata niya ang ibat-ibang uri ng mamahaling sasakyan kabilang na roon ang kotse ni Arnold. Natuon ang pansin niya sa

