Chapter Two

2054 Words
"Kumusta, Dude!" bungad ni Marco kay Jiro pagkapasok niya sa opisina nito.   "Marco, ano'ng masamang hangin ang nagtaboy sa 'yo papunta rito?" biro naman nito sa kaniya.   "Sa katuhayan, the reason why I'm here right now in front of you is, because I really miss you." Sabay tawa niya nang malakas.   "Eiw! Dude, don't tell me, iba na ang type mo ngayon?" naniningkit ang mga matang tanong nito sa kaibigan.   "Bakit, masama na bang ma-miss ko ang best friend ko? Saka dude, you've known me so well, ni minsan ay 'di nagbago ang preference ko sa buhay, lalo na sa bagay na 'yon," nakangiting wika ni Marco sabay diretso sa upuang nasaharapan ng mesa ng kaibigan at prenteng naupo rito.   "I'm just kidding Marco, ikaw naman hindi ka na mabiro." Sabay ngiti nito.   "It's okay, Dude. By the way, when will be your wedding?" tanong niya sa seryosong anyo.   "Maybe, three to four months from now. We haven't plan about it yet," sagot nito.   "I see!" wika niya habang tumatango-tango pa bilang tanda ng pagsang-ayon sa mga sinabi ng kaibigan.   "You want some drinks?"   "No thanks."   "Maiba nga pala ako Marco, kayo pa rin ba ni Mira?" wala sa loob na usisa ni Jiro sa kaibigan.   Tila natigilan si Marco sa tinuran ng kaibigan. Muli ay naramdaman na naman niya ang pag-ahon ng galit sa kaniyang puso.   "We broke-up since last month. And I don't wanna talk about her anymore." Mababanaag ang galit sa mga mata niya nang bitawan niya ang katagang iyon.   "Why you don't wanna talk about her? What happened, Dude?" usisa pa niya kahit na umpisa pa lang ay alam na niya na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Jiro na lahat ng nakakarelasyon ng kaibigan niya, pinakamatagal nang itinatagal ng pakikipagrelasyon nito ay tatlong buwan. Hindi naman niya ito masisi dahil siya man ay ganoon din dati bago pa niya makilala ang kaniyang fiancée. Ngunit ang ipinagtataka lamang niya ay kung ano ba talaga ang naging ugat ng paghihiwalay ng mga ito gayong dati ay hindi naman ito apektado sa pakikipaghiwalay sa sinomang nakakarelasyon nito. At batid niyang may nangyaring hindi maganda o hindi nito nagustuhan. Kung anoman 'yon, he really wants to know it.   "I caught her in the act. She had an intimate relationship with one of her co-officemate," paliwanag niya. Mababanaag pa rin sa mga mata niya ang labis na poot na nadarama patungkol sa ex-girlfriend.   Naisip na lang ni Jiro na marahil isa sa dahilan kaya apektado ito sa nangyari ay dahil hindi nito matanggap na naiputan siya sa ulo ng dating kasintahan, hindi dahil sa mahal niya ito, kung hindi dahil sa nasaling nito ang ego niya. Iyon ang hindi niya matanggap pagkat sanay kasi ang binatang siya ang gumagawa ng paraan para kumalas sa isang relasyon.   "So, that's means…nakikipagdate ka na ulit?"   "Out muna ko riyan, ang plano ko ngayon ay ibigay ang buong atensiyon ko sa pagma-manage ng restaurant," sagot niya.   "Ahmm.." naisatinig na lang nito bilang pagsang-ayon.   Bata pa lang ay magkaibigan na ang dalawa, magkapit-bahay kasi ang pamilya nila sa isang exclusive subdivision sa may Quezon City, at dahil hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila ay agad silang nag-click na dalawa.They treat each other like a real sibling, and because Jiro is older than Marco by two years, he became Marco's protector from the bully kids. Nagkahiwalay lang sila ng landas nang magdesisyon ang pamilya ni Marco na manirahan sa probinsya upang doon mag-aral ng kolehiyo. Sa kabila nang paghihiwalay ng mga landas nila ay nanatili pa ring intact ang pagkakaibigan nila.   Tuwing bakasyon, lumuluwas ang pamilya ni Marco para magbakasyon sa dati nilang bahay. At tuwing nagtatagpo ang landas ng magkaibigan, parehong silang hindi magkamayaw sa pagkukuwento ng mga adventures nila sa buhay. They didn't hide anything to one another; their life is like an open book. They never tried to keep any secrets; they are being true to one another. And because of that, it became a big help on Marco's part, at least he never had a hard time keeping his suppressed feelings for a girl. That time, he wasn't sure about his feelings towards a girl and he was on his denial stage. At sa tulong nga ni Jiro ay unti-unting nabigyang linaw kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para rito.   It was really hard for Marco to distinguish the difference between love and admiration. At sa tulong nga ng kaibigan niya, he finally admitted that what he really felt for that girl is love, at hindi 'yong pagkagiliw lang dahil sa kakaibang character nito that he really admired and loved most. At hindi dahil sa natutuwa lang siya rito. But it was too late, because he hasn't seen her since he had left out of the country for his on-the-job-training.   Naalala pa niya bago siya umalis, nataon na siya at ang dalawa pa niyang kamag-aral ay hindi nakakuha ng final examination sa isa nilang subject kaya naman naki-sit-in sila sa isa sa mga klase ng instructor nila para roon mag-take ng exam. At isang pangyayari ang hindi niya inaasahan, ang klase kung saan sila makiki-sit-in ay ang klase ng mga dati niyang kamag-aral sa PE. Nakatutuwa lang na parang hinadya ng tadhana na magkita sila ng babae sa huling pagkakataon.   Hindi siya sigurado kung may gusto ba ito sa kaniya base sa reaksyon nito at kung paano siya itrato. May gusto ba ito sa kaniya o sadyang ganoon lang talaga itong makitungo sa mga kakilala nito?   She's very accommodating and sweet; she always had a big smile on her face wherever and whenever she saw someone she knew. Siguro nga, sadyang magiliw lang talaga ito sa mga kakilala niya. He only had a wrong impression the way she treated him.   Nang mga oras na iyon ay nahirapan siyang mag-concentrate sa kaniyang pagsasagot dahil sa presensiya nito. Kapag ka nga naman tinamaan ka ng magaling at pinaglaruan ng pagkakataon, nautusan ito na maupo sa kaniyang tabi habang pinatalsik ang mga katabi nito sa upuan, idagdag pa riyan ang kantiyawan at pang-aasar ng mga kamag-aral nito. Pero tila ba isang bahagi ng pagkatao niya ang nagagalak nang mga oras na iyon sa 'di niya mawaring dahilan. Another one good memories na naman.   That time, everything seems to be clear. He had realized that what he has felt for her is not just a simple admiration. To the point that he had planned to continue his two years course into four years, even though it is okay if he did not continue it. But he had decided to continue it 'till last...just to see her. And seeing her even from a distance makes his heart fills with so much joy.   He had never planned to court her, or be closed to her. Because he knew that there is a big possibility that what he had felt for her will passed. And one more thing, he wasn't even sure if the feeling is mutual. Because he assumes that she only saw him as a brother. Naalala pa niya nang unang beses na lapitan at tanungin niya ito, tinawag pa siya nitong kuya. Isa pa, alam niya na maaaring makagulo lang siya sa relasyon nito at ng lalaking madalas niyang makitang kasama nito, na sa palagay niya ay kasintahan nito. So, he didn't even try to express his feelings towards her.   "Hmm!" Isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan nang maalala niya ang nakaraan. If only I have a chance! Naibulong niya sa sarili.   "What's wrong Marcious?" Napansin nitong tila may bumabagabag sa kalooban ng kaibigan. Ngunit hindi naman niya matukoy kung ano.   "Wala 'yon Jirocious, you have nothing to worry about," tugon niya.   Kapag ganito ang tawagan nila, they knew that one of them needs an advice, at iyon ay walang iba kung hindi si Marco.   "Huwag ka nang magkaila Dude, I know you in and out. Don't deny it my friend. I know that something is bothering you right now," wika nito. Bakas sa mga mukha nito ang fascination. It's been seven long years since he had seen his best friend acting the same way before.   "Alam mo Jirocious, I'm too lucky having you as my best of friends. It will be very hard for me once you got married. For sure na mas madalang pa sa mga tala sa kalangitan ang magiging pagkikita natin." May himig ng kalungkutang mababakas sa mga tinig niya ganoon din sa mga mata niyang tila ba nangungulila.   "Why aren't you planning of settling down? Para naman may mapagtutuunan ka na rin ng atensyon at pagmamahal mo bukod diyan sa restaurant mo at nang sa ganoon ay hindi ka puro sa akin nagdadrama. Aba daig mo pa si John Lloyd kung umarte," wika ni Jiro.   "Jiro..." Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Marco.   "Don't tell me, hindi ka pa sawa sa buhay binata?"   “Hindi iyon. What I wanted to say is, do you think getting married is the best way? I think, it isn't. Why do I need to settle down, if it wasn't already my plan? Madaling magpakasal pero mahirap hanapin ang taong papakasalan mo; the one you wanted to spend your whole life with," aniya sa seryosong anyo.   Marco is right, getting married is not easy, unless you've found the one you wanted to spend your whole life with.   "Wow! Where did you get such kind of thoughts? Very impressive!" Titig na titig ito sa kaibigan, hindi makapaniwala sa mga tinuran nito.   "A Filipino romance novel written by Khaszey Luis entitled Wedding March," sagot niya sa seryoso pa ring anyo.   "Oows! Hindi nga? I'm only kidding when I asked you about that. I've never thought it was real." Bakas ang labis na pagkagulat sa maamong mukha nito.   "Kailan ka pa natutong magbasa ng romance novel?" Curious na tanong nito nang makabawi sa pagkabigla.   "A couple of months ago. Naintriga kasi ako roon sa title ng isang novel na isinulat din ni Khaszey Luis na Missing Love. Tapos, nagandahan ako kaya naman napagdesisyonan ko na bumili ng mga akdang isinulat niya," paliwanag niya.   Sa totoo lang he never had an interest reading those romantic novel, because he finds it just a waste of time. And for obvious reason, it is just a fantasy that will never happen. It is just a product of the ambitious, yet creative minds of the writers. But something had changed his perception towards it, he find reading stories really amazing. And he had discovered that you will learn a lot of things from it.   It changes him, no...it is right to say that it affects him a lot, especially his beliefs, ideologies and even his views in life. But he never tried to read any other novel which is not written by Khaszey Luis. He finds her way of writing so unique from the others that's why she is his favorite writer.   He remembered, because of his admiration towards her novels he recommended her works to his cousins who loved reading romance novel. And he never failed to do so, because Khaszey Luis became their favorite Romance writer. She's really a good writer, one proof of it is, whenever her novel were already released in the market it didn't count months to stay in the bookstores, because within that month her novels were all sold out.   "Ang korni mo Dude, para kang 'yong bestfriend ni My Love. Naku, isa pang adik sa romance novel ang isang 'yon," nailing nitong wika habang pinipigilan ang paghulagpos ng tawa sa kaniyang lalamunan.   "Oh! That's nice to hear, I'm excited to meet her soon." Bakas ang kakaibang ngiti sa mga labi niya may bigla kasi siyang naalala. Matagal nang naikuwento ni Jiro ang tungkol sa best friend ng fiancée nito, but he haven't had a chance of meeting her personally. Bigla tuloy siyang na-curious ditto and he even tried to visualize her looks.   "Dude, alam ko 'yang naglalaro sa isip mo." Sabay ngiti nito na parang nang-aasar.   "Curious lang ako Jiro. Isa pa, remember the night na sana ay mami-meet ko siya, tapos nagkaroon ng aberya? That's why, I never had a chance to know her and meet her personally," pagkakaila niya. But deep inside him, there's an urge that pushes him to know her further rather than meeting her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD