Chapter 2

1205 Words
Nanlaki ang mga mata ni Terrence nang makita ang babaeng nasa kanilang harapan. Naikuyom n'ya ang kanyang mga palad. Pinakatitigan n'ya ang dalaga. Namumungay naman na sinalubong ni Ziana ang tingin nito sa kanya. May kung anong kumudlit sa puso n'ya na wala man lang siyang makitang emosyon doon. I will do everything to make you happy. Sa isipan naman ng dalaga. "Okay, iha, I will call you again once na matapos ang result ng medical mo. If your medical says that you are healthy. Then, payag na ako na ikaw ang maging carrier ng magiging apo ko. That's all for now," sopistikadang paliwanag ng ginang, ina ng asawa ni Terrence. Buo na ang loob n'ya. Hindi n'ya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob n'ya upang mag-apply at maging soon to be surrogate mother ng magiging anak ni Terrence at ng asawa nitong si Mara. Hindi pa man siya kailanman nakaranas na magbuntis. At sa dalawampu't lima niyang existence sa mundo ay isang beses niya pa lamang natikman ang luto ng Diyos. Yes, she did it before with Terrence. "We should talk!" matigas at maawtoridad na sabi ni Terrence. Mahigpit ang hawak nito sa braso ng dalaga at hinila siya sa isang sulok. "Anong ginagawa mo Loraine?" tanong ni Terrence. Bigla naman may kung anong natunaw sa kalooban ng dalaga nang marinig muli na tawagin siya nito sa kanyang second name. Si Terrence lamang ang gumagawa no'n kung kaya't may espesyal na dating iyon sa kanya. Ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita. Iyan ang nais isatinig ng dalaga. Ngunit hindi niya nagawa. "Common, Terrence, we all know what I am doing. I am willing to be the surrogate mother of your child. Simple as that." Kibit balikat nitong sagot. "You know how serious is this? My family needs an heir and my wife can't do it. And, you? " "Yes, Terrence!" Putol nito. "Tama, I want to be the surrogate mother!" sigaw na sagot ng dalaga. "Why? Give me a fxcking reason!" Mahina ngunit maawtoridad nitong sabi. "Don't tell me, you still love me?" Hinahanap ni Ziana ang pagmamahal nang bigkasin ni Terrence ang salitang love pero wala siyang nakapa roon kahit na kaunti. ''What if I say, Yes. What are you gonna do? May magbabago ba?" "Did your family knows about it?" Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Nahinuha naman ni Terrence ang sagot sa tanong niya. Terrence just tskk. "I am willing to be a carrier of your child. As long as I saw you happy kahit di mo na suklian ang pagmamahal ko. I will still do it. Hayaan mo na gawin ko ito. After I gave birth to your baby I will leave you and never ever come back to you. Just this one, after this I will let go the love you left for me." Matapos n'ya sabihin iyon ay walang lingon-lingon siyang tuluyang umalis. ------- Makalipas ang isang linggong paghihintay sa resulta ng medical ni Ziana ay agad siyang tinawagan ng Ginang. "Iha, natanggap mo na ba ang kopya ng medical papers mo?" "Yes. So, I am qualified or not?" diretsang tanong nito. Hawak niya ang sobre pero hindi pa niya tinitingnan ang laman no’n. "Yes, iha. You are very qualified. Be prepared within this month we are going to America to do the process."  Iyon lamang ang sinabi ng Ginang at ibinaba na ang telepono. Bumuntong hininga siya sa isiping lilisanin na niya ang lugar kung saan siya lumaki. Walang nakakaalam ng kanyang desisyon. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga damit nang pumasok ang kanyang Ina sa kanyang silid. "Anak, pagdating mo roon, tawagan mo agad ako 'a. At 'wag mo kalimutang i-update ako sa mga gagawin mo. Enjoy your holiday, anak," sabi ng kanyang Ina. "Opo, mommy. Take care of yourself mom. Don't forget to take your maintenance medicine. Saka si Dad din po lagi niyo paalalahanan. Nandito naman ang kambal, si Nate at Nick, alam ko hinding hindi po nila kayo pababayaan," sambit nya sa Ina. Niyakap niya ito nang mahigpit. Ginawa niya iyon dahil alam n'ya na matagal siya bago bumalik. Tumulo ang kanyang luha pinunasan n'ya naman agad iyon bago bumitaw sa kanyang yakap. "Anak, kung makapagsalita ka naman parang hindi ka na babalik. Ingatan mo ang sarili mo ‘a. Alam ko nasa tamang edad ka na at alam mo na ang tama sa mali. Lagi mo lang pakatandaan na huwag na huwag kang gagawa ng isang hakbang na alam mong sa huli ay pagsisisihan mo lang. Enjoy your life, anak. Kahit anong mangyari nandito kami na pamilya mo. I love you, anak." Hinalikan siya ng ina sa kanyang sentido. Napapikit na lamang siya sa sinabi ng ina. Kung alam lang nito ang ginagawa niya. Marahil ay hindi siya papayagang umalis. At mas lalong kagagalitan siya ng kanyang pamilya kung malalaman nila ang tungkol sa pagiging surrogate mother n'ya. -------- "Bakla, huwag mong kalimutang tawagan ako 'a. Balitaan mo ako. Ewan ko ba sa iyo, ano ba ang pumasok diyan sa kokote mo at willing kang maging substitute mommy sa baby ng ex mo. Sino ba ang tanga at maluwag ang turnilyo? Walang iba kundi ikaw ZIANA." Iyan ang naging kumento ni George sa kaibigan ng maipaliwanag nito sa kanya ang gusto nitong gawin. "Huwag mo na ipangalandakan sa akin dahil alam ko naman 'yan," sagot ng dalaga sabay inom ng kape sa kanyang baso. "Teka, matanong ko lang frend 'a. Ano ba talaga rason mo at willing na willing ka na maging substitute mommy? May asawa na iyong tao. Kasal pa. Umaasa ka pa rin ba? Malaki ba ang bayad sa iyo, kaya pinatos mo?" tanong ng kaibigan. "Georgie, iyang bunganga mo susungalngalin ko ‘yan nitong hawak kong kutsara, gusto mo?" Naiirita nitong bulyaw sa kaibigan. "Nagtatanong lang naman ako 'e. Kung pera lang ang pag-uusapan marami ka naman no’n. You graduated as a Cummluade in a culinary arts and hotel Management course. Mayaman kayo, may sariling kompanya ang daddy mo at saka si Marco, ang kakambal mo, isa ang kompanya niya sa mga naglalakihang kompanya rito sa Pinas. Kaya hindi mo na need ang datung. Ipaliwanag mo nga sa mahiwaga kong utak ang dahilan mo, girl. Baka sakali maintindihan ko kung bakit mo gagawin iyan." "Girls instinct is so powerful," iyon lang ang sagot n'ya. "Mayroon ka ba no'n, frend? O baka pinipilit mo lang paniwalain ang sarili mo sa instinct na iyan? Saka anong instinct ang sinasabi mo, aber!" taas kilay pang sabi ng kaibigan. "Sa akin na lang ‘yon. Ang tangi ko lang masasabi sa iyo. I love him so much, to the point that I can do everything to make him happy. And I wish I can capture his heart again. I know, I will." Kompiyansa n'ya sa sarili. Alam n'ya sa sarili n'ya na may hidden reason si Terrence kaya siya iniwan nito. Ayun ang aalamin n'ya. Pero paano kung talagang hindi na siya mahal nito? May takot na bumalot sa puso n'ya. Susugal pa rin siya kahit na anong mangyari. "Para kang kumuha ng dos por dos para ihampas diyan sa ulo mo. Hihintayin ko mabasag ang bungo mo hanggang sa matuhan ka, girl." Panunuya pa ng kaibigan at humalakhak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD