-Opening(2)
Xyrile's POV:
"May we call on our beloved Suma c*m Laude for this years graduation of Senior High School and our most beloved president of the School Council for 5 years. Ms. Xyrile Shananaiah M. Villanueva for your speech."
Mga katagang nagpagising sa akin mula sa aking mga iniisip. Suot-suot ng toga ay inakyat ko ang stage ng aming paaralan.
Tama, graduation day ngayon, huling pagtitipon-tipon sa school year n ito bago magsimula ng panibago. Sa wakas tapos na din ang mga paghihirap sa high school at aakyat na ko para sambitin ang aking talumpati.
Gamit ang aking kalmadong mukha ay binanggit ko ang aking talumpati. Nagsimula sa magandang kataga at nagtapos sa magandang kataga. Binanggit ko ang inspirasyon at pangarap kong personal at para sa kapormalan ay tungkol na din sa paaralan.
Natapos ang Graduation Day at lalabas na ang lahat ng estudyante. Sinalubong pa ako nila Tito Mic at si Tita Shan bago sila nauna dahil may importante pa silang gagawin. Niyaya nila akong kumain muna ngunit tumanggi din ako dahil gusto ko na talagang unuwi at magpahinga pero bago noon ay gusto ko munang dalawin ang aking pamilya.
Suot-suot ang aking toga, uniporme at ang mga natanggap kong medalya ay sasakay na sana ako sa aking bisikleta ng biglang may humarang sa akin. Taka nman akong tumingin sa kanila. Napakadami nila, kasama pa ata noong ibang estudyante nila ng mga magulang nila. Tumingin sila sa akin gamit ng kumikislap nilang mga mata at taka ko naman silang tiningnan.
Anong ginagawa ng mga teacher, mga kasama ko sa council, classmates at iilan pang estudyante? Napansin ko na isa sa kanila ay si Clara, grade 12 na siya sa susunod na pasukan, mas matanda siya sa akin ng 1 taon ngunit late na siya nagsimula ng klase niya. Tiningnan ko siya ng nagtatakang tingin bago magsalita.
"Clara... W-what's the matter?"
"Ah it's about you of course. We just wanna say thank you for your hard work not just a president but also a student. Our schoolmates also wanted to say thanks because of your great leadership, during those 5 years." sambit niya sa akin.
Isa-isa naman akong pinasalamatan ng mga ito bago sila mabawasan hanggang sa uonti na lang ang matira at sa wala na ding natira.
Bahagya ko namang iniling ang aking ulo nang may munting ngiti sa labi bago ako sumakay sa aking bisikleta at tumungo sa sementeryo.
Makalipas lamang ng ilang minuto ay narating ko na din ang destinasyon ko. Hindi ito sementeryo ngunit dahil nakalibing dito ang pamilya ko ay tinuturing ko na ding isa.
Ito ay bakanteng lote na pag-mamay-ari ng aming pamilya, dito din inilibing sila mama at papa at dalawang taon lang nakararaan ay dito din inilibing ang aking kapatid.
Walang nakakaalam nito bukod sa aming pamilya. Sinadya talaga para nagbabakasyon kami dati ay walng makakaisturbo. Pero mayroon pa din nmng iba, yung mga nakatira lang kalapit ng lote na ito.
Masaya akong umupo sa harap ng puntod nila bago ipatong ang tig-iisang bungkos ng bulaklak at tig-iisng lagayan ng ice cream. Binuksan ko ang sa akin at agad na kinain ito bago ako ngumiti sa kanila at nagkwento ng mga pangyayari kanina.
"Kuya... Maraming nag-aagawang university makuha lang ako. Tingnan mo din to. Ang dami kong awards tas medals. Talino ko no?" ngiti kong sabi habang nakatingin sa puntod ni kuya hawak-hawak ang mga medalya ko na tila pinapakita sa kanya.
Tumingin nman ako sa puntod ni papa bago magwika. "Pa, ang daming humahanga sa akin kanina. Lahat sila nagpasalamat sa akin kasi magaling daw akong mamuno at mabait daw ako." sabi ko din habang malaki ang ngiti.
"Pero siyempre ma. Nagmana ako sa inyo eh." Magaan lang ang ngiti ko ngunit napalitan din ng malaking ngiti habang binabanggit ko ang mga salitang iyon habang nakatingin sa puntod ng aking ina.
"Masaya siguro kung nandoon kayo. Yung kumpleto tayo." medyo tumulo ng luha ko ngunit agad ko ding pinunasan at nagwikang." Tama! Nandoon kayo, binabantayan niyo ko." malaki ang ngiti ko habng binabanggit ko ang mga iyon.
"Mama, papa, kuya... Ang lungkot mag-isa... Nami-miss ko na kayo... " habang kinakain ko ang ice cream na nasa kamay ko.
Maya-maya pa ng maubos ito ay kinain ko din ang ilan pang ice cream. Yung ice cream nilng tatlo, sayang pag natunaw eh.
Pag kasama ko lang talaga sila saka lang bumabalik yung pagiging pasaway ko. Naalala ko tuloy tuwing nadalaw kami dito dati ni kuya. Tradition na kasi ang Ice Cream buhay pa sila mama at papa kaya nman tuwing nadalaw kami pagkatapos ng graduation day ay nagdadala kami ng ice cream pero sa huli kami na lang din ni kuya kakain dun sa iba kasi sabi niya sayang daw kaya binatukan ko siya. Pero eventually, ginagawa ko na din inaagawan ko na din siya ng ice cream.
Maya-maya pa nang maligpit ko na lahat ng kalat, itago ang toga at ang mgaedalyang kakahubad ko lang at ipasok ito sa bag bago ipinatong ang bag ko sa may paanan ng puno, humiga ako at inunanan ito. Tumingin ako sa kalangitan mainit ang singaw ng lupa at medyo mainit din talaga dahil sa sikat ng araw ngunit natatabingan ito ng mga ulap kaya di masyadong mainit. Maya-maya pa ay may umihip na hangin na nagsanhi para lumipad ng saglit ang laylayan ng aking toga at ng aking palda.Kasabay din nito ay paglipad ng maliliit na sanga ng malaking puno at paghulog ng iilan sa mga dahon nito sa d**o.
Bata pa lang ako ay nakatayo na ang punong ito, madalas nga dati noong bata pa ako at madalas kaming bumibisita dito ay dito ako palaging tumatambay o di kaya naglalaro kabaliktaran ng kuya ko. Pati sila mama at papa ay ayaw akong lumalapit dito dahil daw baka mapahamak ako at may mga insektong may lason ang kumagat sa akin pero kahit ano pa man ay di ako lumalayo gusto ko lang ng pakiramdam sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Tahimik ko lang pinagmamasdan ang tahimik na kalangitan, ang mainit na singaw ng lupa at ng araw, at ang malamig na simoy ng hangin na tumatangay sa iba pang mga dahon at maliliit na sanga ng matandang puno.
"Dito po muna ko huh? Na-miss ko po kasi kayo. Wag niyo po ako papaalisin huh? KJ pa naman si kuyangot ko." ngiti ko pang sabi habng binubulong ang ilng salaitang iyon.
Maya-maya pa ay tinaas ko ang aking mga kamay at tinakip sa sinag ng araw na nagmumula sa langit.
Sa totoo lang... Wala akong partikular na direksyon kung saan tutungo ng buhay ko ngayon. Pagkatapos ng pag-aaral ko...saan ba ko pupunta? Ano ba talaga mangyayari sa akin?
Iniabot ko ng isa ko pang bag kung nasaan ang iilan sa mga pagkaing dinala ko at kinuha ang isang tetra pack ng gatas at tinusok dito ang straw para mainom. Kinuha ko din ang cellphone at ang earphone ko para makapakinig ng music. Pinatong ko ang gatas kalapit lang ng ulo ko habang inaabot ng bibig ko ang straw at paunti-unting inuubos ang laman nito. Tinagilid ko ang katawan ko at niyakap ang damuhan na kinahihigaan ko hanggang sa pumikit ang mg mata ko at nakatulog ako.
It's so dangerous to fall asleep here lalo na kung sa ganitong ka-open na lugar at baka nakawan pa ko but somehow, I really fell asleep maybe because of exhaustion.
-/-/-/-/-/-/-
Marinelia's POV:
"Do we really need to go here? My gosh! What in the head of HM ba kasi at dito niya talaga tayo pinadala sa misyon na to! Buti na lang we are already finish na kaso nga lang my goosh... What the actual heck we are lost like OMAGHAFFFSH blah... blah..." continous rant of Lyqueiah while we are walking here at unknown place here in *Mortale.
"Will you shut up Queiah! We are almost on our way for anyone's sake. We just need to find that g**damn tree." I blurted out. No erase that I shouted.
We are clearly finding that non-existant tree for almost 3 hours at sobra na din ang init dito sa mundong ito, idagdag mo pa yung nakakasulasok na hangin.
"Kailan ba kasi natin mahahanap yang tree na yan. My gosh! I'll my mommy about this talaga and we'll gonna punch HM talaga. Another point is myghad naman bakit ganto yung hangin dito? This situation is clearly stepping on my pride as *Vinderia's peeps. Nellie!!! Do something! I hate this. If I can just use my..." she said as she pouted her lips. It is cute, though nakakasawa na kanina pa kasi nagpapa-cute ang isip batang babaeng toh. Pero di na rin natuloy ang pagsaslita niya ng tingan ko siya ng masama.
I walked towards her before bending my body to hers so that I can whisper my words loud and clear to her mahirap na may makarinig pa.
"Did you already forgot about the rules as we stepped our feet here?" I whispered to her as I pinched her waist really hard.
"Ouch!!!! I hate you, Nellie!" she immediately said to me.
I didn't bother to look back and just continue to walk until I saw a plain with a bed of grass. It is board and only has a big tree at the middle, looking so...old. Right. Maybe that's already what we're looking for. At the very thought of coming back home resulted my lips to curve upwards.
" We can already go back home, Queiah." I silently muttered with the hint of excitement in my voice.
"Ommo! Is that really it? The *Medjio Medis? Oh my... It looks so old..."
Old or not is doesn't matter basta ang importante ay makakauwi na din kami pagkatapos ng dalawang linggong misyon.
Medjio Medis is one of the ways to pass through between the two worlds; namely, Mortale and *Khiyaali, our world. Aside from the first option, casting spell but unfortunately only the allowed persons are able to do that, this is the second way to enter or exit the Khiyaali and enter or exit the Mortale, with the gate keepers.
Gate Keepers are the one who is keeping the gate to the Khiyaali or the Medjio Medis from the intruders. They are also *Khinos like us but their family or their bloodline are here to protect the gate. Iyan ang pinasang tungkulin sa kanila simula pa noong unang panahon. I heard that the last heir of that bloodline already died, sayang nga lang at di nila naipasa sa susunod na salinlahi nila. Hindi kasi sila nagkaanak.
And that is how Archeuis obtained it. I heard that he met that family and they gave it to him habang hindi pa daw nakakapili ng susunod na bloodline na pagpapasahan ng susi.
Hindi talaga ako magtataka na nakilala niya yung pamilya ng mga Silvano. Paulit-uli pa naman siyang nandito sa Mortale, halos mas mahaba nga ang nailagi niya dito.
"But how are we going to open the gate...err... This tree?" she said while we are standing in the front of this tree.
"Archeuis let us to borrow the key from him right? We just need the presence of that key and our *prino of our *callix then we are off to go. So no need to bring it out."
Still not finish with my speaking but she already let the small amount of prinosoth of her prino from her body, so I did the same.
Her hand pointed at the tree in front of us, emitting a faint light of white with a little bit of blue representing the prino of her callix, *Vind. I also pointed out my hand towards the tree and I saw a faint light of Silver-gray going towards the tree, the color that represents my callix, *Meteeld.
Hindi pa man nakakalimang segundo ng biglang umihip ng malakas ng hangin. I wonder my gaze around the vicinity ngunit hindi pa din nagbabago ang paligid. It is still the plain with the bed of grasses pero ng kaibahan is mas puro ng hangin dito at mararamdaman mo talaga ang prino sa lugar na ito.
"At last! We're already here." she heaved a sigh and after that she looked at me.
"What are you looking at?" I asked as she rolled her eyes at me.
"Duh! Just open the portale. I miss my bed and also wala pa kong nagagawang assignment natin. My gosh naman Nellie..." she said as she rolled her eyes at me for the second time around.
Sa totoo lang mas matanda ako ng dalawang taon sa babaeng to pero tingnan mo kung paano umasta. I just rolled my eyes at her bago tumalikod at gumawa ng enkantasyon.
"Hey! You dare to roll your eyes on me!" she said but I didn't bother to look back. Instead I just focused all of my attention in casting to create a portale.
After a good 30 seconds I opened my eyes to see a a hollow and a Silver-grayish portale. Silver-gray is the symbol of my callix that's why it's like that. I'm still currently mastering this new obtained skill of mine kaya medyo natatagalan pa ang pag-ca-cast ko pero our *leraar in callix told me that it always takes time whenever you want to learn something new.
"What are you still glaring for? Gusto mo iwan kita dito? Remember you still don't know how to cast an echantment of portale..." I smirked at her before walking directly to the portale I just made.
" Hey wait!" agad niyang sigaw bago tumakbo at sumabay sa akin papasok.
Finally... After 2 weeks of mission there in Mortale, we are already back. Magkukwento talaga ako sa mama at papa ko pagbalik ko ng bahay namin. Ugh! I forgot. It's still not time to go back sa ikalimang buwan pa, sa *Heder pa ang aming isang buwang bakasyon. Next month pa.
Ipinikit ko saglit ng mga mata ko hanggang sa tuluyan kaming nilukob ng liwanag. Inaantok na ko.
--------------------
Third Person's POV:
Sa kabilang banda naman ay mayroong lalaking nakaupo sa railings ng verandah niya sa kuwarto.
Mula sa kanyang balkonahe ay nakikita niya ang malawak na lupain ng Khiyaali, ang mga kaharian, ang mga mamayan nito at ang iba pang istraktura na nakatayo.
Maraming mga tao ang nasa baba. Nakikita niya din ang ilang kasing edaran niya at ilan pang kabataan ang nag-eensayo ng kanilang mga prino kasama ang mga leraar na nag-eensayo sa kanila.
Nakatingin lang ang binata mula sa kanyang balkonahe, tahimik na nagmamasid. Nililipad ng hangin ang kanyang purong puting buhok na medyo nahahaluan ng matingkad na kulay asul at dahil sa paglipad nito ng bahagya dahil sa hangin ay medyo gumulo ito at natabingan ang kanyang kanang mata. Ang kanyang itim na kapa ay bahagya ding nililipad ng hangin kaya makikita mo ang kasuotan niya sa loob.
Mayroon siyang polong itim na may mahahabang manggas. Ang kwelyo nito ay nakataas hanggang kanyang leeg na dinisenyuhan ng isang butones na kulay itim sa pinakataas, iyan lang ang makikita mong butones sa polo. Ang kanyang buong polo ay dinisenyuhan din ng mga ginto linya at kurba. At sa ibaba naman ay simpleng itim na pantalon at sapatos. Sa unang tingin pa lamang ay mapapansin mong makapal ang telang ito.
Ang kanyang damit ay bagay na bagay sa kanyang puting balat, balat na bumabagay din sa pula ng kanyang mga labi. Ang kanyang damit ay saktong sakto lamang sa kanyang katawan kaya makikita mo ang maayos niyang postura at matipunong katawan.
Ang damit niyang ito ang nagbibigay ng maayos na depinasyon sa kanyang katawan mula sa kanyang tuwid na balikat hanggang sa kanyang mga paa.
Tahimik lamang siyang nakatingin sa ibaba mula sa itaas. Kalamadong ekspresiyon ngunit makikita mo sa pantay niyang makakapal na kilay at sa kanyang matingkad na kulay asul na mga mata, ang emosyong di tiyak ngunit mabigat ang nakapaloob, mahirap mabasa at nagtatago ngunit madaling makita.
----------------------
Sa kabilang banda naman ay mayroong umupong babae mula sa kaniyang pagkakahiga. Medyo nagulo ang buhok niya at mayroong iilang mga dahon sa kanyang itim na buhok.
Mapapansin mo ang ilang butil ng pawis sa kanyang maputing noo na dumaloy panta sa kanyang mamula-mulang pisngi. Pinunasan niya ng bahagya ang kaniyang mga pawis ng maabot niya ang bimpong kulay puti mula sa bag niya.
Medyo namumula din ang kanyang abong mga mata. Kinusot niya ito bago humikab ng bahagya. Medyo nangati at namula din ang balat niya siguro marahil sa d**o na hinigaan niya kanina lang.
Tumayo na siya ng tuluyan at agad na isinuot ang bag na inuunanan niya oagkatapos iligpit ang mga kalat at ipasok ng knyang mga gamit sa bag. Tumingin siya sa dalawang marmol na puti sa sahig bago ingiti ng bahagya ang kanyang mapulang labi. Mapapansin mo ang isang maliit na biloy na matatagpuan sa kanyang kanang bahagi ng labi nang ngumiti siya at tumingin sa dalawng marmol na nasa sahig bago siya sumakay ng bisikleta niya na nakahiga lamang sa damuhan at umalis sa ilalim ng puno.
Patuloy pa din siya sa pagpepedal ng kanyang bisikleta. Bahagya nililipad ng hangin ng kanyang itim na buhok at ng palda niyang itim. Mataas pa rin ang sikat ng araw ngunit mapapansin mo ang mgandang simoy ng hangin. Kung siya ng tatanungin ay parang mas sumariwa ata ang hangin ngayong araw na ito.
Marahil ay init na init na siya, tinanggal niyang dalawang butones na nasa kwelyo niya at sa magkabila niyang kamay. Patuloy pa din siya sa paglalakad nang mapansing napakatagal niya ng nagpepedal ng bisikleta. Tumingin siya mula sa likuran at di niya na nakita pa ang punong malaki ngunit para na lamang ito bilog na ang kulay ay malalim at maitim na berde.
Kumunot ang noo niya at agad na tiningnan ang paligid sa kanyang harapan. Wala kang makikita na kahit ano bukod sa malawak na damuhan at kalangitang maliwanag. Nanlaki ang kanyang mga mata at tumaas ng bahagya ang kanyang maiitim na kilay, tila nagising sa isang magandang panaginip.
Bahagya niya pang sinipat ang kanyang katawan. Suot-suot niya ang uniporme niyang puting polo at ang kanyang itim na palda. Nasa likod niya ng kanyang bag at ganoon pa din naman ang bigat nang dinala niya ito papunta dito kanina. Nakasakay siya sa kanyang bisikletang itim na kanina lamang ay kanyang pini-pedal ngunit ang paligid, ang lugar na kung saan siya nakatayo ay parang di na pamilyar sa kanya.
Iisa lng ang naglalaro sa kanyang isip sa mga panahong nakatayo siya at sinisipat ang lugar kung saan siya nagmula at kung saan siya patutungo ngayon.
.....Nasaan ako?
----------------------
-
-
~•~|•~• End of the Chapter~•~|•~•
(Note) A/N:
Hello po sa mga nagbabasa!_(:з」∠)_
Sana po nagustuhan niyo po! ^~^
Thanks po! 'v'
Callixtian Words 101
(Paunawa: Ang ilang sa mga salitang ito ay binase sa totoong salita at ang iba naman ay natagpuan lamang sa makulay na mundo ng otor.)
Mortale- Mortal's World...
Vindalieh- The place where the people represents there wind prino
Medjio Medis- Magical Tree
Prino- or presence of the callix. It shows the color of the callix.
Callix- what the power or magic attribute called in Khiyaali
Khiyaali- the name of Marinelia and Lyqueiah's place where they live in.
Khino- the general name of the people that are living at Khiyaali.
Leraar- teacher ...
Portale- portal...
Heder- like the hint in the passage, this is the fifth month, May.
Vind- Wind
Meteeld- Metal
Other terms in the next chapter!!!
Pronounciation:
Lyqueiah or Queiah is simply Lay-ke-ya or (ke)ki-ya
Archius is simply Ar-ki-yus
See you in next chapter!