Dalawang lingo na ang lumipas mula ng makabalik si Daniel mula sa pagbisita niya kay Mara sa probinsya. Abala siya ngayon sa paghahabol ng aralin pati na rin sa pagpuno ng mga araw na kaniyang niliban sa kaniyang part-time job. Nais niyang maging sapat ang kaniyang kita upang masuportahan ng maayos si Mara kapag nakarating na ito sa prague. Isa din sa dahilan kung bakit nagsusumikap siyang magtrabaho ay nais niyang maipagmalaki siya ni Mara. Aminado na ngayon ang binata na may nararamdaman siya para sa dalaga. Balak niya itong kumbinsihing ditto na manirahan sa Prague o magtrabaho. Nais niya itong makasama ng pangmatagalan. “why are you alone sitting here?” ani Janet. Isa sa kaniyang mga naging malapit na kaibigan ditto sa paaralan niya sa Prague. “Oh hi janet.” Ganting bati niya. “hel

