NANG gabing iyon at nasa sala si Francez kasama ang pamilya niya habang nanunuod ng tv nang mapagpasyahan niyang matulog tutal ay inaantok na siya. “Papa, Kuya, tulog na ako,” paalam niya sa dalawa at hinalikan ang mga ito sa pisngi. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang bigla siyang madulas. Nahulog siya roon at nagpagulung-gulong pababa ng hagdan. Nakaramdam siya ng pagkahilo. "Francez! Jusko namang bata ka!" Mabilis siyang dinaluhan ng dalawa at inalalayan paupo sa sofa. “Ano bang ginagawa mo?” "Pambihira! Hindi ka kasi nag-iingat e!" paninermon ng kuya niya. "Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong nito. "Marie! Magdala ka ng tubig dito at itong anak mo nahulog sa hagdan!" malakas ang boses na tawag ng papa niya sa mama niyang naghuhugas sa kusina. Ilang sandali pa'y huma

