TODAY is Saint Therese University Foundation day. Ngayon na pala gaganapin ang roleplay. Kahapon lang umiyak si Francez ng sobra-sobra dahil nasaktan siya. Kasi nakita niya sina Prince at Sarah na magkasama at naghahalikan sa apartment nila. At ngayon, as in ngayon talaga ang araw ng roleplay kung saan magkakatambal at magiging sweet pa ang mga ito. They will sing the sweetest song she made for the show. And remembering how sweet those words are, pakiramdam niya para siyang sinasakal. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit, pagkayamot at selos. Parang ngayon siya nagsisisi na iyon pa ang inilagay niyang kanta. She have this kind of feeling na parang gusto niyang bawiin ang lahat ng iyon huwag lang matuloy ang palabas na iyon pero alam niya, magmumukha lang siyang tanga, masama, kontr

