"Ma,aalis nako.. Jellyn napakabagal mo naman.. Tara na bilis!"
"Eto na! Eto na! Madaling madali kala mo naman ikinaganda mo yang suot mo.. muka kang tanga dyan te..
" Eh bakit? Ikaw?tignan mo din yang suot mo para kang pupunta sa lamay! Itsura neto.. Tara na kupad kupad mo.."
"Tsk tsk tsk! Ang aga aga nagaaway kayo! Ano ba ah? Wag naman kayong makisabay.. Sige na.. Pumasok na kayo kung papasok kayo sa school. Jusko po.. Daig nyo pa mga bata mag away!"
Lumabas na ng bahay si Jellyn at Jessy.. Habang papasok sa school ay hindi maiwasan pagtinginan sila ng mga tao dahil sa suot nila.. Si Jessy ay nakasuot ng Maid costume na parang sa mga cosplay.. maigsi ang paglda nito na balloon style at kulay dark blue,ang pang itaas naman niya ay isang close neck na damit at may aproon na puro raffles sa gilid.. mahaba ang kanyang puting medyas na hanggang tuhod at nakasuot din siya ng black shoes. Si Jellyn naman ay nakaitim na longsleeve, itim na palda at itim na belo.. Pareho silang tahimik lang habang nasa byahe at kapwa namumula ang mga muka sa sobrang hiya ngunit wala naman silang magawa dahil para iyon sa school fair nila..
"Sarah, balatan mo na ang mga patatas!"
sigaw ni Eliza kay Jessy nang makita niyang dumating na Jessy, nagtawanan naman ang iba nila kasama lalo na si Chris..
"Tigilan mo ko baka batuhin kiya ng patatas sa muka"
"Haha okay lang yan Jessy, ikaw naman ang pinakamagandang maid na nakita ko sa buong buhay ko?"
"Talaga ba Chris? Wag mo nang pagaanin ang loob ni Jessy.. Hala sige Jessy Maglinis ka ... bilisan mo ang pagkilos at marami ka pang labahin hahhahahahha"
patuloy naman ang pangaasar ni Eliza kay Jessy at inismidan lang siya ni Jessy..
"Si ate Sammy ba wala pa?"
"Naku Jessy kanina pa nandito yun kaso nagpunta ata sa CR para magpalit at magayos,ganyan din ba susuotin niya?"
"Oo ganito din kaso depende ang itsura ng susuotin niya kung saan niya binili.. nirentahan ko lang kasi tong damit.."
Maya maya pa habang abala ang lahat sa pagaayos ng mga gagamitin para sa pagdedesenyo ng kanila Cafe booth ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sammy.. Nakasuot din siya ng damit na halos katulad ng kay Jessy ngunit mas maganda ang disenyo nito.. Kulay pula ang balloon skirt nito at hapit na hapit ang pang itaas.. kitang kita ang korte ng bewang niya at dibdib,mayroon ding diamond sa gitna ng collar nito at maganda din ang simpleng disensyo ng kulay puting airpron na suot niya.. Di naman mapigilan ng lahat na mapatingin kay Sammy dahil parang isa siyang anime character na nabuhay. kitang kita din ang makinis at mapuputing binti at hita nito,nakasuot ng puting medyas si Sammy ngunit mas maigsi at ang suot niya na sapatos ay isang black shoes na may 3 inches heels..
"Nahiya ako bigla sa suot ko.. muka akong katulong lang talaga sa isang mansion pero ikaw.. grabe para kang model na cosplayer na diyosa.. bagay na bagay sayo!"
"Thank you!Muka namang nagustuhan ng lahat ang suot ko.."
"Ayan ready na mga servant natin ? Tara na at iayos na natin ang booth natin"
Habang naglalakad sila ay kitang kita nila ang iba't ibang booth ng bawat klase ngunit mas agaw pansin ang marriage booth dahil sa dami ng nagpupubta ditong mga couples, ganun rin ang photo booth na maya't maya ay may pumapasok upang magpakuha ng litrato ..
"Tara ate Sammy punta muna tayong photo booth sayang naman yung suot natin "
"Okay, let's go"
Sumunod din sakanila ni chris at eliza. Matapos magpakuha ng litrato si Jessy at Sammy nang magkasama ay nagpakuha din sila ng litrato kasama si Chris at Eliza. Habang masayang naglalakad pabalik sakanilang booth ang apat na magkakaibigan ay biglang may humawak ng kamay ni Sammy at mabilis na isinama ito sa isang booth..
"Ate Sammyyyy.."
Sabay sabay na tawag ang tatlo kay Sammy sumunod.. nabigla sila ng makita nila na sa Marriage booth dinala ng lalaki si Sammy...
"So, you want to marry me?"
"Oh yes of course, babe you're the only one i want to be with for the rest of my life.."
"Unfortunately,it's not gonna happen.. nakakalimutan mo atang hiwalay na tayo"
Hindi agad nakasagot si Julius dahil biglang lumapit ang mga estudyante na nakaAssign sa Marraige booth at binihisan sila ng Suit at puting palda at nagmistulang Bride at groom sila dahil doon.. nagtinginan ang dalawa at sabay tingin sa paligin.. Kita nila na marami ang nakatingin at ang karamihan ay kinikilig,may mga kumukuha din ng picture..
》Grabe!!!Bagay sila!!!《
》Ang ganda at ang gwapo, sobrang match sila《
》Ang swerte niya ang gwapo at ang tangkad pa nung guy《
iba iba ang naririnig na komento ng dalawa sa paligid pero halos lahat ng ito ay puro papuri.. Dumating ang isang estudyante na nakasuot nang damit pang-Pari at nagsimulang magsalita ng mga dialogue para sa kasal..
"Narito tayong lahat ngayon upang masaksihan ang pagiisang dibdib nila.."
Sabay tingin kay Julius na para bang naghuhudyat na sabihin nito ang kanyang pangalan..
"Julius"
"at.."
sunod naman na tinignan niya si Sammy upang sabihin nito ang kanyang pangalan.. ayaw man ni Sammy ngunit wala siyang magawa..
"Sammy"
"Julius at Sammy, narito ang mga sing sing upang magsimbolo sa pagmamahalan ninyong dalawa.."
Lumapit ang isang estudyante na may dalang mga sing sing.. laking gulat ni Sammy nang makita niya na ang mga sing sing ay iba sa mga sing sing na ibinibigay mismo ng booth para sa mga couples..
Kinuha ni Julius ang mga dalang sing sing ng estudyante.. ang isa ay ibinigay niya kay Sammy, kinuha naman ni Sammy iyon at pinagmasdan..
"ikaw lalaki,tinatanggap mo ba ang babaeng ito upang maging iyong asawa, at nangangako kaba na siya ay iyong sasamahan sa hirap at ginhawa?"
"Yes father"
"Ikaw naman babae,tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa, at nangangako ka ba na siya ay iyong sasamahan sa hirap at ginhawa?"
Tumingin si Sammy sa pari at kay Julius,tumingin din siya sa mga nakapalibot na mga estudyante.. ang lahat naman ay nakatitig maigi sakaniya at naghihintay ng kanyang sagot..
"Ye... yes po Father"
Nagtitilian ang mga nakapalig sakanila at nagpatuloy na panoorin ang mga nangyayare..
"Maaari nyo nang isuot sa bawat isa ang sing sing.."
isinuot ni Julius ang singsing sa kamay ni Sammy.. Makikitang may pagpiglas si sammy ngunit nagawa parin isuot ng matagumpay ni Julius ang sing sing sakanya. Sunod naman ay isinuot ni sammy ang singsing kay Julius,matapos iyon ay biglang sumigaw ang mga taong nakapaligid sakanila..
"YOU MAY NOW KISS THE BRIDEEEEEEE!"
Namumula ang mukha ni Sammy dahil nahihiya itong mahalikan siya si Julius sa isang lugar na napakaraming tao.. Unti unting lumapit ang makinis at gwapong mukha ni Julius, dahan dahang pumikit ang mapupungay na mga mata ni Julius at hinalikan si Sammy sa pisngi, nagtagal iyon ng halos tatlong segundo.. Sobrang namula ang mukha ni Sammy pati narin ang kanyang tenga..
"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Sa sobrang kilig ay napasigaw ang mga tao sa paligid..
---------------------------------
@Cafe Booth
"Grabe yung eksena niyo dun kanina ng ex mo te.. Nakakakilig kayong tignan, yung effort niya ah nagpunta pa siya dito para sa mga paganyang surpresa.. di tulad ng iba diyan.. wala manlang kaeffort effort sa jowa"
"Eliza, hindi naman kelangang umeffort ng ganyan ni Chris.. mas okay na ko sa mga simpleng bagay lang.. ayos na saken yung magkasama kami.."
"Hindi naman sa hindi ako nageeffort kay Jessy, may mga ginagawa din ako para sakanya tsaka sinosorpresa ko din naman siya minsan hindi nga lang yung ganyan kaenggrande na may paGintong sing sing pa.. gusto ko kasi kapag bibigyan ko siya ng sing sing eh yung sa proposal at wedding na talaga namin"
"Sooowwwsss! Palusot ka pa!... anyways,ate Sammy totoong ginto ba talaga yan?"
"*sigh* Yup, real gold.. he never gave me fake things.. Diamond necklace.. Pearl earrings.. Gold bracelet.. things like that lahat legit"
"ay grabe gusto ko din ng jowang ganyan,may kapatid ba yan?ireto mo naman ako hihihi"
"Itsura mong yan! tumigil ka nga wag mo kaming istorbohin ni ate Sammy dito.. Kumuha ka ng mga cups pa dun sa classroom natin bilisan mo!"
"Kapag ako nagka jowa Jessy.. who you ka saken"
natatawa namang tumingin ang tatlo kay Eliza habang ito ay naglalakad paalis..
Lumipas ang ilang oras ay natapos ang School Fair ng maayos at matagumpay,ang cafe booth nila Sammy ang pangatlo sa may pinakamataas na rating na nakuha.. Marami ang nagpunta sa booth nila dahil narin sa epekto ng naging kasal niya sa Marriage booth,may mga nagpupunta din dahil gustong magpakuha ng litrato kasama siya..
"Nakakapagod naman tong araw na to.. haaaayyyy grabeeeee!
"Mas napagod naman kaya kami sayo noh! taga kuha ka lang ng mga gamit sa classroom.. halos apat na beses ka lang nagpabalik balik eh kami ni ate sammy nagserve at nagasikaso ng mga tao sa cafe booth halos buong araw"
"it's already 5:30pm, kaen muna tayo some where my treat.. nagugutom ako eh."
sumangayon naman ang tatlo sakanya at sumakay sila sa kotse ni Sammy.. matapos kumain ay inihatid na ni Sammy si Eliza pagkatapos ay si Chris at huli ay si Jessy..
"Thank you sa pagkaen at paghatid.. pasok ka muna sa loob ate Sammy pahinga ka lang saglit bago umuwi"
"No need,i really have to go may mga gagawin pa kasi ako pasensya na..
"Okay lang ? Sige ingat sa paguwi.."
pumasok na sa loob ng kotse si Sammy, pinagmasdan naman ni Jessy ang papalayong kotse nito at pumasok sa loob ng bahay..
Nakita niyang nakaupo sa sala ang kanyang ina at bakas sa mukha nito ang labis na pagaalala habang hawak ang cellphone at may tinatawagan..
"Oh,Ma, anong ginagawa niyo diyan? sino tinatawagan niyo?"
"Kagabi pa kasi hindi nagmeMessage ang papa mo khit tawag wala eh.. nagaalala lang ako.."
"Hindi na ba kayo nasanay sakanya? Tsk. this is not the first time Ma.."
napayuko nalang si Myrna sa sinabi ng anak,halos linggo linggo kasi ay ganun ang ginagawa ng kanyang asawa pero sa hindi malamang dahilan ay iba ang nararamdang kaba ni Myrna ngunit dahil sa sinabi ng anak ay isinantabi nalang niya ang pagaalala at kaba sa dibdib at nagpunta sa kanyang kuwarto lara matulog..
-------------------------------------
> Dad,i'll stay at shane's house for several days until you get back.<
message sent to Mario from Kristy...