EZEKIEL . . Trabaho lang. Iyon ang nakakintal sa isip ko sa oras na pumasok ako sa Pamilya Arania. Malinaw ang instruksyon sa akin at kapag natapos ko ang misyong iyon, malaya na ako. Makakapag-umpisa na ako ng buhay na hindi nakadepende sa masama. Madali lang naman sanang gawin dahil lahat ng kakayahang hinahanap ni Tomas Arania ay nasa akin na. Hindi ko siya binigo. Nananatili siyang ligtas sa mga gustong magtangka sa buhay niya dahil sa akin. Ngunit kapag nagawa ko na ang pinaka-misyon ko, bigla lang akong aalis. Ang problema, malaking hadlang sa akin ang kanyang anak na si Persephone Arania. Siya ang dahilan kung bakit ako nag-aalinlangan minsan na tapusin anuman ang nasimulan ko. Dapat ay manhid na ako sa dami ng mga napagdaanan ko. Ngunit simula nang mapalapit siya sa akin, pin

