EZEKIEL (Ten months ago…) . . Una kong hinanap si Persephone nang dumilat ang mga mata ko. Kumusta na kaya siya? Hindi ba siya binalikan ng mga hayop na ‘yon? Kung hindi lang niya ako pinigilan, baka napatay ko na ang mga nagtangka sa kanya. Hindi naman mahirap gawin iyon dahil ilang beses na ring nadungisan ang aking mga kamay. Kung kinakailangan, muli kong babalikan ang bagay na tinalikuran ko na alang-alang sa kaligtasan ni Persephone. “Gising ka na pala, hijo.” Biglang dumako ang paningin ko sa matandang lalaki na nakaupo sa sofa. “Sir Marcus.” Hindi na ako magugulat kung siya ang mabubungaran ko. Ang labis na pinagtatakahan ko ay kung bakit magkatabi sila ni Damon. Hindi ko man gusto ang kanyang presensya pero kahit papaano’y lumuwag ang dibdib ko. Ibig sabihin lang ay narito

