Paikot-ikot lang ako sa malaking silid na pinagdalhan sa akin ni Ezekiel. Sariwa ang hangin na nanggagaling sa aircon, regardless, I still felt suffocated. Lalo na’t wala akong ibang nakikita kundi mga baril. Pakiramdam ko tuloy ay tinatawag nila ako para gamitin ko sila kaya dahan-dahan akong lumapit. Pamilyar na ang iba sa akin. My mga handgun na single action at double action. May mga rifle at shotgun pa. Sa dami ng possession niya ng mga baril, lalo akong natatakot para kay Ezekiel. They just showed me how serious his situation was. Ano ba ang kailangan kong gawin? Nangako akong pipirmi lang dito pero iba ang gusto ng katawan ko. My hands were itching to grab a gun and I would storm my butt out of this room. Natatakot pa ba ako? Para sa sarili ko, hindi. Pero para kay Ezekiel, oo, at

