I tore some tissues from the roll and wiped my tear-stained face. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Great, I looked like a disaster. Sa pagkalukot ng mukha ko, daig ko pa ang abogado na nakipagdebate sa korte. Piliti mo mang ngumiti, hindi naman umaabot sa mga mata ko. Ilang beses man akong huminga nang malalim, hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko na para bang may malaking bato na nakadaan doon. With a heavy heart, I opened the door. Napasingap ako kasi si Ezekiel agad ang bumungad sa akin. He was staring at me in curiosity as he leaned against the wall. “Ayos ka lang ba?” he asked. Dahil hindi masyadong malakas ang dating ng musika doon, narinig ko siya kahit mahina ang boses niya. Imbes na sagutin ko ang tanong niya, nilagpasan ko lan siya. I stomped back to our place. Mabuti na

