EZEKIEL . . Gusto ko siyang hawakan ngunit ni hindi ko maigalaw ang mga daliri ko sa tuwing ipinapakiusap niya. Gusto kong sumagot sa tuwing magku-kwento siya ngunit kahit ang sabihin kung gaano ko siya kamahal ay bigo akong gawin. Kung alam lang niya, ramdam ko ang bawat paghaplos niya sa mukha at buhok ko. Sakit ang dulot nito sa aking dibdib dahil hindi ko man lang maikurap ang mga mata ko. Paulit-ulit siyang nakikiusap na gumising na ako. Kung alam lang niya, simula noong makulong ako sa kadilimang ito, wala akong nais gawin kundi ang umahon. Madalas akong naliligaw, patakbo-takbo hanggang sa makakita ng liwanag. Ilang ulit ko nang gustong sundan iyon. Ngunit kapag naririnig ko ang malambing na boses ni Persephone, bumabalik ako kung saan ako nanggaling. Naroon lang ako at nakat

