Louisette's pov
It's now March one, sana ngayong buwan ay walang mangyaring masama, naalala ko exam na pala sa second week ngayong buwan,
hays maiistress na naman ako nito, marurush na naman ako kakareview hays
It's been a week narin since madischarge ako, pero hindi pa muna ako pinapasok ni papa sa school, minsan pumupunta din sya dun sa may dorm ko,
at araw-araw naman na pumupunta si Silver dun sa akin, palagi nya akong nilulutuan ng pagkain ko, nakinagulat ko kasi marunong pala sya magluto,
at mas naging close pa talaga kami, and I think bumalik na rin yung closeness namin katulad before
Andito kami ngayon sa room, malapit na pala ang graduation day, gosh ang bilis ng panahon,hays ang boring uwian na kasi tapos cleaners ko pa ngayon pero syempre dahil mabait ako na bata
, uupo lang tayo dito hanggang sa makatapos na sila paglilinis ganyan tayo kasipag na bata
"Get up, and sweep the floor" utos ni Silver sa akin
"Pero masakit pa ang ulo ko eh" pagdadahilan ko at nagkunwaring masakit ang ulo
"Magaling kana Babi tsk" masungit na sabi nya at binigay ang walis sa akin, ays kung hindi ko lang talaga sya crush kanina ko pa hinampas tong walis sa kanya, hmpt
"Upo ka na lang ulit bubbly, ako na ang magwawalis para sayo" nakangiting sabi sa akin ni Andreius at kinuha ang walis
Hays napailing iling na lang ako buti na lang ang bait talaga ni puppy, umupo na lang muna ako at napatingin kay Silver na ngayon ay papaunta sa akin habang nakakunot ang noo
"Oh bakit ka naka upo dyan ulet? Diba sabi ko sayo magwalis ka?" Masungit na tanong ni Silver habang ang mga mata nya ay naniningkit
"Ako na ang magwawalis para sa kanya" sulpot naman ni Andreius
"Hindi mo pa cleaners ngayon kaya si Louisette ang pawalisin mo" utos ni Silver
"Eh paano kung ayoko?" Sabi ni Andreius at ngumisi
Napatingin na lang ako kay Silver na ngayon ay magkasalubong ang dalawang kilay nya, napatingin sya sa akin,
bineletan ko na lang sya dahilan para napabuntong hininga sya, HAHAHAHA ah napikon
Nang makatapos na kami maglinis, umuwi na rin pala sila Gabriel at Honey, habang si Andrea at Daisy naman ay pumunta kay Demon doon sa hospital, so tatlo na lang kaming natira dito
Napagpasyahan namin na pumunta na lang sa park, ang daming tao kasi mag-gagabi narin naman eh,
Damn sumasakit yung ulo ko, nahihilo ako,mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon
"Uhm guys pass na lang muna ako sumasakit yung ulo ko eh" sabi ko ng malumanay
Agad naman hinawakan ni Andreius ang noo at leeg ko "damn bubbly ang init mo, I think you have to go home na nga" nagpapanic na sabi ni Andreius
"Hatid na kita bubbly" presenta ni Andreius, ng biglang may nagtext sa kanya,ka agad nitong kinuha ang phone nya at binasa ang text
"well I guess I can't bubbly pinapauwi na ako nila mommy and daddy eh, may kailangan pa daw ako gawin bawi na lang ako bukas Louisette bye" sabi nito at yinakap ako saka dali daling umalis
Napatingin ako sa tabi ko ay andun parin pala si Silver akala ko nakaalis na ito, "uhm silver uwi na ako ha! Uhm ikaw din uwi kana"
"Kung ganon ay ihahatid na kita" sabi nito at walang pasabi na hinila ako
Hmmm minsan nga guys napapaisip talaga ako pano nya kaya nalaman yung condominium ko,
like as in nagulat na lang talaga ako nung first time syang pumunta doon sa condominium ko
Pagkadating namin don ay agad kong binuksan ang ilaw at ang mga bintana para makapasok ang sariwa na hangin
May aircon naman dito pero mas gusto ko parin talaga if natural air lang, nagulat ako ng dumeretso sya sa kusina
"Magluluto ka?" Tanong ko sa kanya at habang nakanood sa kanya sa mga ginagawa nya
"Yup" ikling sagot nya at tumingin sa akin, hays ang gwapo nya talaga
"Yehey anong lulutuin mo?" Sabi ko na parang bata,
"Well it's a secret" Sabi nya at ngumisi, napanguso na lang ako at padabog na umalis

Pumunta na lang ako sa may sala at nanood sa youtube sa may tv, ano kaya maganda panoorin?
Hmmm kung peppa pig kaya? Eh kung SpongeBob? Hmmm dora kaya? Hays ang dami ko namang pagpilian
Ahhh power puff girls na lang, mwehehe ako na si Buttercup atsaka si Blossom ah, kayo na lang si Bubbles, chour syempre ako rin yan ako silang lahat, HAHAHAHA
Mga ilang oras din akong nakatutok dito sa may tv, aish ang tagal naman ni Silver, ano kaya nangyari dun?
Haish mapuntahan nga, nagluluto parin sya? Haish men ang hot nya tingnan pag naka uniform at naka apron, aish pawis na pawis na sya
Pumunta na lang muna ako sa may sala para ion ang aircon at para narin siraduhan ang mga bintana
Kumuha na rin ako ng panyo, pagkabalik ko sa kusina ay nadatnan kong nakatayo si Silver habang nakapikit ang mga mata nya
Well I guess tapos na sya magluto, pumunta ako sa kanya yinakap ito, na kinagulat nya, humarap ako sa kanya para narin punasan ang pawis nya gamit ang panyo na kinuha ko kanina
"Thank you" mahinang sabi nito, damn ang husky ng voice nya
"No thank you, kasi palagi kang pumupunta dito sa dorm at palagi akong nilulutuan ng pagkain hehe" sabi ko at pinisil pisil ang pisnge nya, dahilan para napanguso sya
Ay ang cute nya talaga "so let's eat na?" Tanong nito at tumango na lang ako bilang sagot
Kumuha na ako ng pinggan, kutsara at baso, habang si Silver naman ang nagprepare sa mga pagkain namin,
"Hays ang sarap mo talaga magluto Choco, yum" sabi ko, hays ang sarap talaga alam nyo guys pwede narin tong si Silver na maging katulong eh, joke
"Talaga?" Sabi nito ng nakangiti habang nakatingin sa akin
"Yeah.. kung pwede nga rin dito ka na lang tumira eh, total andito ka rin naman araw-araw" pagbibiro ko sa kanya at natawa
"Hmmm that a nice idea, pwede din" sabi nito ng nakangisi, this was supposed to be just a joke right?
Pero pwede rin naman ehe, "eh seryoso? " Tanong ko sa kanya at nagtaas ng isang kilay
"Yeah I'm serious starting tomorrow dito na lang ako titira BWAHAHA" Sabi nito at napatawa
"Haish pano kung ayawa ko?" Sabi ko at nagcross arms
"Then hindi na kita lulutuan ng mga pagkain" Sabi nito at pilyong ngumiti
"Tsh okay fine..." Napipilitan na sabi ko..well napipilitan nga ba? Gusto ko rin naman talaga na dito na lang sya tumira eh,kaso nahihiya ako na, basta!
Pagkatapos naming kumain ay nanghugas kami ng pinggan saka dumeretso na ka agad sa may sala,
Ay paktay naiwan kong nakabukas ang tv, ay nagpiplay parin yung power puff girls... Ililipat pa sana ni Silver pero agad ko itong kinurot sa tagiliran kaya ayun napanguso na lang sya
Nagulat ako ng bigla nya akong yinakap "sana ganito na lang tayo palagi babi" mahinang sabi nito pero dinig ko padin
"Anong ganito tayo palagi?" Takang tanong ko
"Yung ganito lang tayo palagi, yung masaya lang, tayo lang ang magkasama na dalawa,magkayakapan, you know" sabi nito ng nakangiti at nagbuntong hininga
"What are you trying to point out?" Tanong ko sa kanya, tiningnan nya ako,
"Ayoko ng magpaligoy ligoy...What I'm trying to say is gusto kong maging boyfriend mo" deretso sabi nito ng seryoso saka hinawakan ang kanang kamay ko at hinalikan ito, na kinamula ng pisnge ko
"Silver...." Ang lakas ng t***k ng puso ko gosh, para naman akong hihimatayin nito, kinikilig ako omygosh, as in boyfriend? As in jowa? Omg
"But of course mi amor I wanna court you first, so I'm asking you mi amor... Can i court you?" He said in a sweet voice and seriously look at me
"Hmm okay? Yes?" Nahihiyang sabi ko, waw ha ngayon pa talaga ako nahiya, diba ito yung hinihintay mo Louisette? Tapos ngayon hihiya hiya ka? Naku naman
"Hmmm then I will start courting you tommorow for now I have to go home na to tell them the good new" He said and sexily chuckled I just nod my head and smile
"Bye mi amor, good night sayo, iloveyou" He said and kiss my forehead and winked at me, saka tuluyan ng umalis
Napasapo ko ang dibdib ko, gosh did he just say ilove you?