Louise'pov
Hays yeah, those days after the Christmas celebration, niligawan nga ni Silver si Gracie at you know what's worst?,
Sila na ka agad as in agad agad? Kainis naman oh, tuwang-tuwa na nga ako kasi nung wala na sila, atleast man lang meron akong kunting pag-asa pero ngayon wala na
mamayang gabi nga ulit inimbitahan kami ni Mama Evie sa bahay nila na dun nalang mag new year kaso si Lola sabi nya raw kami na raw dun tas si Gab naman sasamahan na lang daw nya si Lola sa bahay
,tapos si Gracie syempre hindi ko isasama joke lang syempre kasama sya, sya girlfriend eh, pero mukhang hindi pa naman alam ni mama Evie,papa Steward at ate Eris yung relasyon nilang dalawa
Hmmm and nung on the way palang kami kanina ni Gracie papauntang mansion nila, sinabi sa akin ni Gracie na excited na daw sya kasi sa wakas ipapakilala na raw sya sa pamilya nito,syempre gulat talaga ako
This time bahala na kung ireject man ako mamaya ni Silver, basta ang importante nakapagconfess nako sa kanya, ngayong alam ko na,na wala talaga akong pag-asa after this I have to move on, tapos hanap tayo ka agad bagong crush char HAHAHAHA
Kaya pagkadating namin dito sa mansion nila, hinanap ko ka agad si Silver na andito sa garden nila at nakangiting nakatingin sa kalangitan
I wish sana ako na lang yung kapatid ko, edi sana atleast nakasama ko malang nung mga bata pa ako sina mama or papa, sana hindi na lang ako naging anak sa isang pagkakamali, sana sana sana, sana sakin ka nalang
Napatikhim muna ako bago sya tanongin "totoo ba Choco, balita ko ilelegal mo na si Bunso?" Sabi ko at ngumiti, agad rin naman syang mas lalo pang ngumiti
"Oo choco at excited na ako, na sana magustuhan nila si Gracie para sa akin, kasi alteast kilala na nila yung girlfriend ko, na kapatid ng bestfriend ko diba?" Sabi nito na tuwang-tuwa
"Sana nga" malumanay ko na sabi at napabuntong hininga
"Ay oo nga pala mamaya balak ko sanang papuntahin ni Gracie dito para sabay na kaming manood ng fireworks" well magpapafireworks kasi si mayor sa amin sa grandstand at malapit lang ang bahay nila dun kaya kitang-kita mo talaga yung mga fireworks,
well mukhang this new year Hindi na ako ang makakasama nya sa pagpanood nito, at sa mga susunod pa, pero sana hindi na umabot dun
"Hmmm what do you think choco?" Tanong nito sa akin at napatingin sa kanyang relo
"Hmmm well i think that's a good idea" sabi ko at nagbikit-balikat
"It's already 11:12 pumunta na tayo sa loob ng bahay" sabi nito sa akin na una na lang ako na mag lakad at pumunta sa may balcony nila at naupo na muna
Nagmuni-muni lang muna ako dun nang biglang sumulpot si ate Eris na kinagulat ko
"Mukhang problemadong-problemado ah tell me what is it?" Sabi sa akin ate Eris at naupo sa upuan sa harap ko
"Wala po ate Eris" sabi ko at napabuntong hininga
"Is this between your sister and my brother right?" Tanong nito at napataas ng kilay
"What do you mean ate Eris?" Patanong ko ng inosente
"Oh cmon sette hindi ako manhid para hindi malaman kung ano ang nangyayari sa paligid ko, last two days narinig ko na may Kausap si Silver he called her "baby Gracie" and i know na wala namang ibang kilala si Silver na ibang Gracie kundi ang kapatid mo lang" sabi nito at hinawakan ang kamay ko
"Tell me may namamagitan ba sa dalawa?" Tanong nito sa akin at napapikit
"O-oo" utal na sagot ko, napabitaw sya sa paghawak sa kamay ko at napatingin sa akin
" Bakit kasi hindi pa umamin Sette eh" sabi nito at napanguso
"Ate Eris kahit naman po na umamin ako alam kong si Gracie parin ang gusto nya" sabi ko at nag-iwas ng tingin
"Haish,kabago-bagong taon problemadong-problemado ka, halika na nga bumaba na tayo at magchika-chika para atleast mabawasan man lang yang pagkaheart broken mo" sabi sa akin ni Atw Eris at itinayo ako mula sa pagkaka-upo
Sumunod na lang din ako sa kanya, well uhmmm I think I have to think positive right now muna, kahit aleast man lang mabawasan yung lungkot ko
"Oh Sette asan kayo nanggaling?" Bungad sa amin ni Papa Steward ng pagkadating namin sa labas ng bahay nag-iihaw ihaw kasi sila ng baboy
"Sa may loob lang po ng bahay Dad may pinag-usapan lang kami ni Sette tungkol sa crush nya" sabi ni Ate Eris at ngumisi sa akin
"Crush?" Biglang dating naman ni Silver "btw sette sino yung crush mo hindi mo pa yan nasasabi sa akin a" sabi nito at napanguso, gusto kong sabihin na ikaw Choco ikaw! Pero.... Hays
"Ma'am, Sir 11;57 na 3 minutes na lang new year na " saad ni manong June, well completo kasi kami dito, ako,si mama Evie, ate Eris, papa Steward,Silver,Gracie,manong June at si Tita Florida, yung iba kasing yaya nila pinabakasyon muna nila kasi nga diba bagong taon
"Let's do a count down then,manood tayo ng tv" sabi ni papa steward kaya agad din kaming pumasok sa loob ng bahay maliban may Silver at Gracie
So ayun nga kumuha na ako ng turutot ko, at naupo, 1 minute nalang, hanggang sa 10.... 9..... 8...... 7..... 6...... 5...... 4......
"3! 2! 1!" Sabay sabay naming sigaw at ka agad na nagturutot, at nag-ingay sa buong bahay nila, at napansin ko lang Hindi parin pumapasok yung dalawa aish bahala na nga sila dyan, mula sa loob lumabas kami ng bahay para makita ang fireworks napaka ganda, umabot ata ng 20-30 minutes yung fireworks bago natapos
Hanggang sa napagod na kami, pumasok na kami sa loob at napa-upo na lang muna kami, habang hingal na hingal " so ano guys let's eat na?" Pag-aaya ni Mama Evie kaya agad rin naman kaming lahat na tumango, at pumunta na sila sa dininig Room
"Sya nga pala Sette tawagin muna yung dalawa" sabi sa akin ni papa steward nagnod nalang ako at lumabas na
Hmmm asan kaya sila,maybe at the Garden? Yes sa Garden!
Hindi palang kalayuan makikita mo na dito silang dalawa na nagyayakapan at nakangiti sa isa't isa,hindi ko na namalayan umaagos na pala ang aking mga luha, ang sakit hinayaan ko nalang muna ang sarili ko na panoorin sila at pinawid na ang aking mga luha at nagbuntong hininga, at sa ka na nagpatuloy sa pagpasok sa loob ng Garden
Nagulat silang dalawa sa pagdating ko kaya agad ring bumitaw si Silver sa kanya mula sa pagkakayakap
"Pinapatawag na kayo sa akin kumain na raw tayo" sabi ko at ngumiti "pero pwede ba Silver maiwan kana muna may sasabihin ako sayo" sabi ko ng seryoso at nag-iwas ng tingin
"Uhm sige choco, Ah Gracie mauna kana muna susunod na lang ako" sabi nya kay Gracie na tumango na lang at umalis
"Uhm choco ano ang sasabihin mo?" Nacucurios na tanong sa akin ni Silver
"Choco crush kita, this time hindi nato prank or what, totoo crush kita" sabi ko at pagak na tumawa bago nagpatuloy sa pagsasalita "dati palang choco bago pa tayo maging magkaibigan crush na kita bago mo pa ako makilala crush na kita, actually hindi nga lang kita crush eh sa tingin ko Silver gusto na kita, oh sabihin ko pa na mahal kita" gumaralgal na sabi ko at napa-iyak kaya napakagat ako ng ang aking pang-ibabang labi
"P-pero cho-" nauutal na sabi nya at hindi narin sya nakatapos sa pagsasalita
"Pero mahal mo ang kapatid ko, at tanging matalik lang talaga na kaibigan ang turing mo sa akin? Yun nga eh ang unfair ako nman yung andito palagi diba? Kaya ang sakit-sakit, at nalaman ko pa na kapatid ko pa yung gusto mo Silver wala akong laban dun, at inamin ko to sayo hindi dahil naghihintay ako na mahalin mo rin, matagal ko na rin tung kinikimkim and all over these past three years ngayon ko lang nasabi sayo ang lahat ng to, pero sana nga ano minahal mo rin ako pabalik, pero hindi eh, kaya ang gusto ko lang sana mahalin mo ng sobrang-sobra yung kapatid ko wag mo syang lolokohin, wag kang mag-alala hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na ikakasira ng relasyon at sana maging magkaibigan parin tayo" sabi ko at napahagulgol
"Louisette, I'm sorry" bulong nito sa aki,napatalikod nalang ako at inayos muna ang sarili bago pumasok sa loob