"THIS charade is between you, me and Sir Zach, Miss Lorenso. Kaya dapat walang nakakaalam sa charade na ito. And this charade ends after the engament party. Kailangan lang ni Sir Zach ng babaeng magpapanggap na girlfriend nito sa engagement party ng kapatid nitong si Xavier. At lahat ng sinabi at binilin ko sa'yo ay dapat mong sundin. Maliwanag ba lahat, Ms. Lorenso?" Tanong ni Fame kay Debbie Lorenso—ang babaeng napili niya na magpapanggap na girlfriend ni Zach. "Yes, Miss Sevilla." Nakangiting wika nito. Tumango siya. "And remember, don't fall in love with our boss." Paalala niya. "No problem, Miss Sevilla." Hindi na niya ito sinagot. Sa halip ay kumatok siya ng tatlong beses sa pribadong pinto ni Zach para ipaalam ang presensiya niya. Pagkatapos niyon ay pinihit niya ang pinto pabuk

