Pagkalabas ni Almira sa compound ng Albano Corp. ay sinalubong siya kaagad ni Benjie at inihatid ng service nitong motorcycle. Niyaya siya nitong kumain sa fastfood na malapit sa apartment ng Tita niya sa Pasay. "O ano, Almira. Naatras mo ba si Ethan sa kasal niya?" "Hindi na eh. Mukhang nagkakamabutihan na nga sila ng Marga na yun." Wika niya nang may inis. Hindi niya akalaing ang pagpapakipot niya'y agad susukuan ng among binata. Nitong nakaraang araw lang ay nakita niya ang pagka disgusto nito sa pagpapakasal. Pero ngayon ay ito pa mismo ang nag aasikaso. "Balak pa nga akong ilipat ng ibang department. Malamang yung Marga na yun ang nagsabi." "Nag inarte ka pa kasi, imbes na ikaw na yung pakakasalan." Paninisi ni Benjie sa kanya. "Alam mo namang yung pinsan niya ang gu

