Pagkatapos ni Marga sa meeting sa isang kliyente sa Makati ay bumalik siya sa opisina para iwan ang ilang gamit doon. Alas singko pa lang ng hapon at aabot pa sya ng alas otso sa bahay ng mga Albano. Ang Daddy niya ay kanina pa umuwi dahil alas sais syete ang oras ng party. Alas otso na siya nakauwi ng bahay at mabilis na nagpalit ng suot na akma sa okasyong iyon. Isang beige sleeveless v-neck chiffon dress ang isinuot niya na bumagay sa maputi niyang kutis. Naglagay siya ng manipis na make-up at iniladlad lang ang lagpas balikat na buhok. Marami din ang bisitang dumalo dahil halos mapuno ang hardin ng mansyon na ang karamihan ay mga kasosyo sa negosyo. Pagkatapos batiin ang Uncle Zandro at Auntie Dani niya ay tumuloy na siya kung saan nakapwesto ang mga magulang. Inikot niya an

