Chapter 35

3117 Words

"Nahihiya ako," bulong ko kay Matteo habang naka-piggy back ride ako sa kanya palabas ng hotel. Mahina naman siyang tumawa at pinisil 'yong binti ko. "Masanay ka na," aniya. Ngumuso na lang ako. Nagising kami ng 9am na. Masyado kasi naming na-miss ang isa't isa. Pinagbigyan ko na. Anong oras na rin kasi kami nakababa. Natanaw namin sa balcony na halos kompleto sila sa baba at naglalaro. Nakita ko nga rin na may nakalatag na mga mesa roon malapit sa beach. Sabi naman niya para daw 'yon sa lunch buffet mamaya. Naramdaman kong parang may magaspang na kumakaskas sa binti ko at nang tignan ko 'yong kamay niya ay suot niya 'yong bracelets na binigay ko. "Sinuot mo na pala 'yong binigay ko," saad ko. Ibinaba niya ako. Nakita kong busy sa paglalaro 'yong mga employees at hindi ata nila k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD