"Miss Ian, eto na 'yong mga files na hinihingi ni sir sa admin." "Lagay mo lang diyan." "Miss Ian, papirmahan mo naman ito kay sir. For monthly maintenance iyan." "Ito rin pala Miss Ganda! Galing finance iyan!" "Miss Ian, ipasure mo kay sir Matteo 'yong para sa ribbon cutting ha?" Napatigil ako sa ginagawa. Napahilamos pa ako sa mukha ko at napatingin sa mga nasa harap ko. Gusto ko silang sabihan ng mga masasakit na words pero malalawak ang ngiti nila habang nakatingin sa akin. I swallowed the lump in my throat at pilit na ngumiti. Kinuha ko sa kanila 'yong folder na inaabot nila. "Ako nang bahala sa mga files na ito. Ako nang bahala sa lahat, okay?" bulalas ko. Sabay-sabay naman silang tumango at naglakad na patalikod. "Bakit sobrang ganda niya?" "Kaya nga eh, kahit stress na dy

