"Hey, blonde girl!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa boses ng isang lalaki, agad ko itong nilingon at binigyan ng masamang tingin. "Ano na naman ba?" naiinis na tanong ko. Napatingin siya sa hawak ko kaya agad ko iyon inubos at tinapon sa basurahan na nasa gilid. "What the hell? You're smoking again? Kailan ka ba titigil?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kapag nawala ka sa paningin ko, baka tumigil ako." Nakangisi kong sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Agad akong pumasok sa unit ko. Mabilis din siyang nakapasok at sinara ang pinto. "Hindi ako mawawala sa paningin mo. I'm your brother, remember?" Nakangiti niyang saad. Inirapan ko na lang siya. Oh, yes! He's my brother nga pala! "Whatever. Ano na naman bang ginagawa mo rito, Gavin?" Dumiretso ako sa sofa at humilata. Umupo nama

