"Para bantayan ka Nick, ano pa ba ang ibang dahilan? Kung hindi ako dumating kanina siguradong nag-se-s*x na kayo 'di ba? Ang kapal ng mukha ni Dianne masahol pa siya sa isang pokpok!" Tahimik si Nick at umakyat siya sa kuwarto. Alam niyang inaakit siya ni Dianne napagtanto niyang may point si Katrina na gustong agawin ni Dianne ang lahat na meron si Katrina. Maaring pati siya ay gustong agawin nito. Ang naisip niyang paraan ay iwasan si Dianne para walang gulo at alam niya sa kanyang sarili na kahit konti ay wala siyang gusto kay Dianne. Kinabukasan ay nagkitang muli sina Dianne at Nick sa kanilang huling eksena. Hindi nagsalita si Nick dahil meron na siyang naramdamang galit kay Dianne. Nang araw na 'yon ay hindi sinundan ni Katrina si Nick dahil meron siyang ibang lakad. Pagkatapo

