Hindi pa rin tumigil si Katrina iginiit niya pa rin kay Nick na nagsasabi siya ng totoo. Kinuha ni Nick ang mga damit ni Katrina sa taas inilagay niya sa bag at nagmadali siyang bumaba. "Sige na Katrina bago ko ito ilabas sa media lumayas ka na habang mabait pa ako sa 'yo! Si Jake mismo ang nagsabi sa akin. Kaya nakiusap ako sa 'yo umalis ka na! Masama kang babae hindi ka karapat dapat mahalin! Lumayas ka na! Ayoko nang makita kahit ang anino mo!" "Nick, mahal kita eh. Nagawa ko ang lahat nang iyon dahil nagseselos ako kay Nicole. Maawa ka sa akin Nick, magpakabait na ako patawarin mo na ako." "Nang dahil sa 'yo muntik nang mapahamak ang babaeng mahal ko. Hinding-hindi kita mapatawad Katrina! Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko!" Galit na singhal ni Nick kay Katrina. "Okay aalis ako

