Habang nakahiga si Nick sa kanyang kama ay hindi mawala sa kanyang isip na nakita niya ako kanina sa mall. Halos hindi niya ako makilala dahil malaki ang kaibahan ng pananamit ko noon, naglagay na rin kasi ako ng make up sa mukha dati kasi bawal akong magbigay ng make up ayaw kasi ni Nick. Kung dati wala akong pakialam sa aking mga damit na susuotin pero ngayon kailangang magtanong pa ako sa aking designer kung ano ang aking susuotin. Ayokong maalala pa ang dating Nicole dahil si Nicole noon ay marter at tanga. Ang Nicole ngayon ay matapang, mayaman, matigas ang puso at wala nang awa. "Hindi puwedeng may asawa ka na Nicole, limang taon akong nagtitiis naghihintay sa 'yo tapos malaman ko na lang na may asawa't anak ka na? Hindi ako papayag kailangan nating mag-usap Nicole. Hanggang n

