Ang payo sa akin ni Nick sa akin ay huwag muna akong lumabas dahil mainit pa ako sa mga fans ni Katrina natatakot siya na mapahamak ako. Hintayin mo na namin na sumabak kaming dalawa sa interview para sabihin ni Nick ang lahat-lahat ang katotohanang puro kasinungalingan lang ang sinabi ni Katrina. Sinusunod ko ang advice ni Nick dahil ayokong mapahamak. Natakot ako sa puwedeng gawin ng mga fans ni Katrina sa akin. Lumipas ang isang linggo ay nagulat ako nang biglang dumating si mommy sa bahay. Natulala ako at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. "Nicole, nagulat ba kita? Nasaan ang apo ko? Cleo. . . " tawag ni mommy kay Cleo. Galit na galit siya at halos hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. "Mommy, bakit po kayo nandito lumapit ako sa kanya para humalik pero tinulak niya a

