"Jake, ayaw nilang lahat sa akin nang nagsimula ako nang pag-artista ay itinakwil na nila ako. Ang sabi ni daddy baka ako ang dahilan na mamatay sila nang maaga kaya ayaw nilang magpakita pa ako sa kanila. Kung uuwi ako doon anong mangyari? Pagtawanan ako ng mga kapatid ko at mas lalo akong itakwil ng mga magulang ko. Kaya ngayon Jake kailangan ko ang tulong mo bigyan mo ako nang trabaho kahit secretary mo lang. Para meron akong income." Walang magawa si Jake, dahil ayaw naman niyang magutom ito at mamalimos sa kalsada. "Sige Katrina bukas sumama ka sa akin tingnan ko kung anong posisyon ang puwede kong ibigay sa 'yo." Seryosong wika ni Jake kay Katrina. Inaasikaso ko muna si Nick. Dahil mahina pa ang kanyang katawan dahil sa ginawa ni Katrina sa kaniya. Nagluto ako ng paboritong p

