Nagdaan ang araw at pinanindigan naman na ni Maddi ang pagmu-move on niya kay Jef. Pinagpatuloy niya ang buhay niya at hanapbuhay niya biglang isang dentist na. Ngunit sa hindi malamang dahilan, bigla-bigla pa ring sumasagi pa rin sa isip niya kung kamusta na kaya ang binata sa mga oras na yun. "Doc Maddi? May appointment po kayo sa Saturday, kay Mr. Esguerra."- Saad pa ng sekretarya nila sa clinic. "Si Mr. Harold? Di ba galling na siya rito noong nakaraang araw lang? Ano na naman daw problema sa pustiso niya?"-Tanong pa ni Maddi habang nagsusulat sa may table niya at nakaupo sa harapan ang sekretaryang si Rose. "Hindi po doc, Mr. Henry Esguerra." Napatigil si Maddi sa pagsusulat napatingin kay Rose. "Henry Esguerra? Bago ba?" "Opo? Yata. Tumawag lang kanina eh. Ni-recommend nga daw p

