Dumating na ang pinakaiintay na graduation ni Jef. Naroon ang lola nito at syempre si Maddi na all out support sa binata.
Inaasahan din nila ang paguwi ng mga magulang ni Jef mula Canada. At sa wakas, makikilala na rin ng mga ito ni Maddi.
Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Maddi, pero para kay Jef, mas nagiging masaya siya para dito.
Magkatabing nakaupo sina Maddi at lola Julie, habang si Jef naman ay nasa assigned seat na ito kasama ang mga kaklase niya. Nagkakasulyapan naman sila ni Maddi kapag lumilingon si Jef sa gawing likuran niya.
Nagsimula na ang graduation ceremony at mas naging excited si Maddi. Nang tawagin na ang pangalan ni Jef, nagpalakpakan sila ng malakas ni lola Julie.
"Alejandro, Jefferson..."
At nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Apo ko yan!"-Tuwang saad naman ni lola Julie at kinatawa naman ni Maddi.
Tuwang-tuwa silang pinapanood ito habang umaakyat ito sa stage, hanggang sa inabot sa kanya ang diploma at nag-bow ito.
Nagkasalubong naman sila ng tingin ni Maddi at pinakita pa rito ang hawak na diploma. Nag-flying kiss naman si Maddi sa kanya.
Nang matapos ang graduation ceremony, inaabangan naman nila Maddi at lola Julie na lumabas si Jef.
"Lola!"-Sigaw pa ni Jef na nanakbo papalit sa kanila at niyakap ang lola niya at binuhat pa ito.
"Ah, apo! Baka mahulog ang lola!"-Pagaalala nito. Tumatawa naman si Maddi sa eksena ng mag-lola.
Binaba ni Jef dahan-dahan ang lola niya at tumingin kay Maddi.
"Congratulations, hon."-Bati pa ni Maddi at bigla siyang niyakap at binuhat din ni Jef. "Ahh!"
"And to my ever supporting beautiful girlfriend."-Pinaikot pa niya si Maddi habang buhat-buhat.
"Hahaha, tama na baka mahulog ako."
Ibinaba na rin siya ni Jef. "Nandito naman ako para sumalo eh."-Bulong pa nito. Hahalikan na sana ni Jef si Maddi pero --
"Jef?! Anak!"
Napatigil sila ng marinig ang pamilyar na boses para kay Jef.
"Mom, dad!"-Nanakbo din si Jef at niyakap ang parents niya. Nakangiting pinagmasdan lamang sila ni Maddi.
"Congratulations anak, we're so proud of you."-Paghalik pa ng nanay ni Jef sa pisngi niya.
"Thanks ma.."
Matapos ng kamustahan nila, lumapit na din sila kina Maddi at lola Julie.
"Mano po lola."
"I miss you mom."-Pagyakap pa ni tatay ni Jef kay lola Julie.
"Kamusta ang flight niyo Julius, Fara?"
"Okay naman po mommy, pero na-traffic lang nung papunta na rito."-Sagot naman ng ama ni Jef na si Julius.
"Ah, mom, dad, I'd you to meet someone."-Nilagay naman ni Jef ang kamay sa bewang ni Maddi. "Maddi, this is my mom and dad. And mom, dad, this is Madison Arevallo, my girlfriend."
"Nice to meet you po mam, sir."-Pagbati pa ni Maddi sa mga magulang ni Jef.
Nagkatinginan saglit ang mga magulang ni Jef bago tumingin sa kanya.
"Nice to meet you too hija. Jef's telling us so much about you."-Bati naman naman din ng ni Julius.
"Let's us eat muna!"-Pag-aya na ng nanay ni Jef na tila hindi matingnan si Maddi. Binalewala na lamang ito ng dalaga.
.
.
.
Kumain sila sa isang fine dining restaurant. Kahit pa nariyan ang buong pamilya ni Jef, hindi naman na-intimidate si Jef na ipakita pa rin ang sweetness kay Maddi.
"Ah, so Madison, taga-saan ka nga pala ulit?"-Pagtanong na ng tatay ni Jef.
"Sa Fairview lang po. Sa may Sta. Lucia Village."
"Ah, I knew that. But I haven't been there for 8 or 10 years ago. I don't remember."-Julius
"It has a mall there too now sir."
"Oh really? I guess it was really improved."
"You're a dentistry student right? When will you gonna graduate?"-Sa wakas ay kinausap na ni Fara si Maddi.
"In two years pa po mam. Overall six years pa po kasi."
"Oh that’s good. Jef will be done to his masters too by that time."-Dagdag pa nito.
"His masters?"-Tila nabigla si Maddi at napatingin kay Jef.
"Yeah. He will take that to Canada, para naman mas madali siyang makahanap ng trabaho doon. Hindi kagaya namin na medyo nahirapan pumasok as nurses doon."-Parehong nurse ang mga magulang ni Jef sa Canada for 15 years.
"Mom.."-Tila pagsuway ni Jef sa nanay niya.
Tila natulala na lamang si Maddi sa mga narinig na sinabi ng mommy ni Jef at hindi na siya nakakibo.
Sa ilang buwan na nagkasama sila ni Jef, ni minsan hindi nito nabanggit ang tungkol sa pagkuha pa niya ng masters degree sa Canada at doon na tuluyang magtrabaho.
Nagpatuloy sila sa pagkain pero naging tahimik na si Maddi.
"Are you okay?"-Pagbulong pa ni Jef kay Maddi pero tinginan lang siya nito at tumungo.
Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ni Maddi. Nanlulumo siya at nalulungkot.
Paano na lamang siya kung sakaling umalis na si Jef? Maiiwan na lamang ba siya dito?
At kung anu-ano pa ang sumasagi sa isip niya na hindi na niya namamalayang may kumakausap na pala sa kanya.
"Maddi? Apo?"
"Ah, ah. Lola?"-Pagkabalik sa wisyo ni Maddi.
"Ayos ka lang ba?"
"O - opo. Pagod lang po siguro."-Palusot naman ni Maddi.
"Ganun ba?"
Nagiintay na sila sa tapat ng restaurant dahil kinuha pa ni Jef ang kotse.
"Mauuna na po siguro ako lola."
"Ah? Ihahatid ka na muna namin nila Jef sa inyo hija."
"Hindi na po. Magta-taxi na lang po ako. Mam, sir, nice to meet you po. Mauuna na po ako."-Pagpapaalam kaagad ni Maddi sa mga ito
"Ah, sigurado ka ba hija? Intayin muna si Jef para maihatid ka namin."
"Nice to meet you din hija. Magingat ka."-Pagpapaalam naman din kaagad ni Fara
Umalis na si Maddi bago pa man dumating si Jef. Pero natanaw siya ni Jef na papasakay ng taxi habang nagda-drive papalapit sa tapat ng restaurant. Tila nagtaka at nangamba naman si Jef.
.
.
.
Dumating si Maddi sa kanila na tila pinagsakluban ng langit at lupa. Diretso siya sa kwarto niya at doon lamang nanatili hanggang sa nagdilim.
*Blag!
Hindi na lamang niya iyon pinansin dahil baka hangin lang na tumama sa bintana.
*Blag!
Napahinto na siya sa pagbabasa ng libro at tumingin sa nakasara niyang bintana.
*Blag!
Sa pagkakataong ito, nakita niyang may tumamang bato sa bintana niya. Tila may bumabato rito.
Tumayo na siya para tingnan ito. Binuksan niya ang bintana at tumingin kaagad sa baba.
Nabigla siya ng makita roon si Jef at nakatingala sa kanya.
"My Juliet!"-Sigaw nito.
"Shh! Anong ginagawa mo rito?"-Mahinang tanong lang ni Maddi.
Malalim na rin ang gabi at mukhang tulog na ang pamilya ni Maddi dahil patay na ang mga ilaw nila bukod sa ilaw sa labas.
"Why you’d left awhile ago?"
"Go home Jef, it was too late!"-Walang gana namang tugon lang ni Maddi rito.
"No! I won't leave here until you talk to me!"
"Shh! Baka magising sina mama!"-Pagsuway pa ni Maddi
"Then for sure they will let me in if they'll see me here."-Tila nangaasar pa si Jef dahil malakas pa rin ang boses nito.
"Ano ka ba?!"-Tumitingin-tingin pa sa paligid si Maddi. "Wait me there!"
Ngiting tagumpay naman si Jef dahil napilit na niya si Maddi.
"What are you doing here?!"-Tila bulong lang ni Maddi pagkababa niya at lapit kay Jef sa gilid ng bahay nila kung saan banda ang bintana niya.
"Because I miss you."
"Okay, you seen me now. You may leave."-Papatalikod na sana si Maddi para umalis pero hinatak siya ni Jef at niyakap.
"I'm really sorry Maddi."
"For what?"-Parang tuod lang naman si Maddi
"For not telling you about it. I was about to tell you but I don't want to upset you."
"So you will tell me when you're about to leave nalang? Ganun ba?!"
"No honey. I actually don't want to go."-Tila may lungkot na rin sa tono ni Jef.
Tila nabigla rin si Maddi sa narinig.
"Sila mommy lang naman may gustong mag-take pa ako ng masters ko at gusto dun pa sa Canada."-Seryosong saad pa nito.
"I don't see anything wrong about it."
"There is! I can't leave you. I don't want to leave you."-Humigpit pa ang yakap ni Jef kay Maddi.
"But Jef --"
"I'm about to tell my parents that I don't want to leave. I don't want to study or live in Canada. If they want me to take my masters, I'll take it in here. With you."
Hindi naman malaman na ni Maddi ang dapat ireaksyon. Napayakap na lamang din siya kay Jef at sinandal ang ulo niya sa dibdib ng binata.
.
.
.
(Long distance? Mahirap yan!)-Reign
(Wow? Naranasan mo?)-Natalie
(Oo noh! Yung malayong-malayong magkagusto sayo yung minamahal mo.)-Reign
(Bakit? Ayaw daw ba sayo ni Carl?)-Ingrid
(Hindi siya! Yuck! Yung sikat na model na si Pietro Storm)-Reign
(Asa ka pa Reign! Ambisyosa ka!)-Natalie
(Teka? Kailangan ba talagang sa Canada pa siya magaral Maddi?)-Ingrid
"Ewan ko guys, naguguluhan pa ko."-Kausap lamang ni Maddi ang mga kaibigan thru phone call.
(Eh di pigilan mo siya kung ayaw mo siyang umalis di ba?)-Reign
"Ayoko naman ng ganun. For his future rin naman niya yun eh."
(Pero paano ka Maddi?)-Natalie
(Ang arte naman ng parents niya ah.)-Ingrid
"Ayoko siyang pigilan, pero ayoko rin siyang umalis."
(Eh di sumama ka!)-Sigaw pa ng tatlo sa kanya.
(Oo nga! Sumama ka kaya?)-Reign
(Pwede naman din, para balatan siya ng tatay niya ng buhay.)-Ingrid
(Hahaha at least kasama niya si Jef sa Canada.)-Natalie
"Guys naman eh."-Natatawa nalang si Maddi dahil alam niya pinapasaya lang siya ng mga ito.
(Madz, wag ka ng ma-stress. Sabi mo naman ayaw din ni Jef umalis di ba? Malaw mo magbago pa din isip ng mga magulang niya.)-Natalie
Napabuntong hininga na lamang din si Maddi. "Sana nga."