Ch.10: Ask For It

1349 Words
Maddi's POV~ "Drinks?" "Sprite!"-Ingrid. "Coke lang"-Natalie. "Ikaw, Madz?"-Reign. Hays. Kung nagtataka kung bakit ganito ang eksenang nababasa niyo, ganito kasi yan -- medyo nakakadismayang hindi kami natuloy ni Jef nung nakaraang araw dahil -- "Huy Maddi?! Magtutubig ka lang ba?!"-Pagsigaw at tapik pa sa akin ni Reign kaya medyo natauhan ako. "Ah-- Coke nalang din."-Sagot ko nalang. So ayun nga, hindi kami natuloy ni Jef kasi -- kasi -- Argh! Papaano ko ba ito sasabihin? Nagka-emergency meeting kasi kami sa Thesis. Unfortunately, kailangan kong i-cancel lakad namin at mabuti ay naintindihan naman niya ako. Kaso -- Kaso after nun, ang dalang na niyang mag-text sa akin. Dati rati, mula umaga hanggang gabi, masipag siya mag-text, pero ngayon -- "Maddi? May problema ba? Kanina ka pa lutang."-Sabay hawak pa ni Ingrid sa braso ko. Para naman akong natauhan ng humarap sa kanya. "Ahh- ahm-.." "Naku! May problema yan! Tara! Kaliskisan na yan!"-Saad pa ni Reign habang hawak ang tray ng pagkain. "Tara! Pagusapan yan doon!"-Pagnguso naman ni Natz sa may bakanteng upuan at kinaladkad na nila ako paupo doon. "So... Is there a problem?"-Panimula ni Ingrid. "May mabigat ka bang problema at daig mo pang napagsakluban ng langit at lupa?"-Reign. "May pagkakautang ka ba? Pwede kitang pahiramin, kahit hindi mo na bayaran."-Natalie. Daig ko pang nasa Hot Seat sa mga ito dahil tabi-tabi sila tapos ako lang nakapaharap sa kanila. Tss. Kahit anong tago ko talaga ng nararamdaman ko, hinding-hindi ako makapagsinungaling sa mga ito. Kahit siguro may LBM ako, alam na alam nila. Hays. "Ahm- it's not that really called a problem.. I guess."-Pautal ko namang sagot. Nakakakaba kaya noh! "Eh ano nga?!"-Sabay-sabay pa nilang tanong na tila naiinip. "Hmm--"-Gosh! This ain't easy! Pinagtataasan na nila ako ng mga kilay nila and I know they're already pissed off.   "He-asked-me-out!"-Mabilis kong saad. Nakakakaba talaga! "HUH?!"-Sigaw nung tatlo at medyo napalingon yung ibang tao sa amin. "Kailan ka pa natutong mag-rap?!"-Sarcastic namang saad ni Reign. Bumuntong hininga muna ulit ako at tumingin sa kanila. "I-- said-- "-Lalo naman silang lumapit sa akin para marinig yata ang sasabihin ko. Focus na focus eh. "He-- asked-- me-- out."-Ayan! Dahan-dahan na. Parang bawat salitang lumalabas sa akin kinukuryente ako sa kaba at hiya. "Ahh.. He asked you out lang pala.."-Sabay-sabay pa rin nilang saad na parang wala lang at unti-unting bumabalik sa pwesto kanina na nakaupo ng maayos. Pero kilala ko ang mga ito kaya--  "Wait?!"-Nanlaki bigla ang mga mata nila. "HE ASKED YOU OUT?!"-Sabay-sabay pa nilang sigaw at -- "WHO?! WHEN?! HOW?!"-Daig pa ang synchronize swimming at sabayang pagbigkas ang singhal ng mga ito. Pinagtitinginan na naman tuloy ulit kami. Grabe lang silang mag-freak out! Napayuko ako ng bahagya sa kahihiyan pero wala naman din akong magagawa. "Shh.. Huminahon nga kayo, please?"-Pakiusap ko pa. Mukha namang natauhan naman sila sa pagwawala at kumalma na. Pumayuko din sila sa harap ko at lahat sila mukhang nagtataka na excited na ewan. Hays. "Paano, Maddi, paano?"-Nakangising tanong ni Natalie. "He called me. Then he just asked me if we can have a lunch."-Diretso kong sagot. "Kailan pa? Nag-date na kayo?"-Reign. "Date? I don't think it was a date. I said, he just asked me out. Just a lunch. Not a clingy romantic date!"-I defensed. "Ganoon na rin yun!"-Bulyaw pa nilang tatlo at talagang talo ako. "The who?! Si Jeff ba?!"-Para namang kinikili sa kilig itong Ingrid. I look at them one-by-one and I know how I try to deny it, they won't believe in me. I bit my lip and then nod at them as a response. Inangat nila dahan-dahan ang mga sarili at tinakpan ang mga bibig. Alam ko na ang mga gagawin ng mga ito. May hiya nalang siguro kaya hindi nila tinuloy ang pagtili. Pero-- Hindi nga nagsipagtilian, kung makapaghampasan at pagabag sa mesa, daig pa nagre-wrestling. Hays. "OMG! Grabe ka Madz! Naunahan mo pa ako!"-Reign. "Nandyan naman din si Carl ah? Pwede kayong magsabay."-Pangaasar ni Natalie. "Whatever Natz!"-Sabay irap pa ni Reign. "Talagang inaaya ka na niya? Nako date na yan! Assume it!"-Ingrid. Napapailing nalang ako sa mga reaksyon ng mga ito, pero wala naman akong magawa. Nakakatawa sila na nakakahiya! . . . "First step!"-Paghampas pa ni Reign ng hawak niyang ruler. "Wear a casual dress or any decent clothes but make sure you are comfortable with it.."-Saad ni Natalie na parang nagtuturong guro. "Like this!"-Hinawi ni Reign ang kurtina at naka-model doon si Ingrid na mukhang may date nga ang attire. Naka-skirty dress siya at may very light make up. "Also make sure na hindi ka magdadala ng pagkalaki-laking bag dahil ang tendency nun, pipilitin ka niyang siya na ang magbibitbit! Which very unusual."-Dagdag pa ni Ingrid. "Or worse! Hindi siya maging gentleman na dalahin yun! Ikaw din ang mahihirapan.."-Natalie. Hmm... I don't wear dresses unless it was special occasion. Maybe just a try? Kahit umayaw pa ako, wala naman din akong magagawa. Tinuturuan nila ako ngayon ng mga Do's and Don'ts daw pagdating sa pakikipag-date. At sa kanila pa talaga nanggaling ito ah? "Next!"-Reign. "Don't arrive early but not much late. Just enough that you kept him waiting for awhile for you."-Natalie. "Why? Baka naman mayamot siya kapag wala pa ako sa usapang oras?"-Takang tanong ko. "Nope! Ladies should not have to wait! Kahit dalawang oras kang delay sa usapan, kung talagang gusto ka niya makasama, he will wait for you!"-Saad pa ni Ingrid. "Uh-hah!"-Sagot naman nung dalawa. "Next!"-Reign. "Be sure, never ever! Ever order a spaghetti on the first date!"-Natalie. "Why?!"-Medyo nabigla ako dahil pati si Reign nagtanong. Nagkatinginan pa kami. "Because spags are too damn messy! You'll never know! Baka sa pagikot-ikot mo, tumalsik pa sa'yo? Or worse, kapag kumain ka, makapag-ingay ka sa pagsubo nun."-Ingrid. "Swwooohhh"-Umarte pa siya na parang kumakain ng spaghetti at ang ingay nga. Whew! Marami pa silang tinuro sa aking mga "First Date Etiquet". Kung hindi ko lang sila kilala, aakalain kong sampu-sampu na ang mga naka-date nila. Hays. . . . Matapos ang pakiki-bonding ko sa tatlong pasaway, I've decided to go home at ayusin na ang mga gamit ko. Doon na muna ako ulit sa dorm ko. Pasukan na naman kasi. Nakasakay naman kaagad ako ng bus at nakaupo pa. Whew! Thanks God no hassle. Sitting pretty lang ako at nanonood ng palabas dito sa bus, Minions. Gusto kong matawa pero nakakahiya. Kung kasama ko lang yung tatlo, malamang humalakhak na ako dito. Sa sobrang focus ko sa panunood, hindi ko na naiintindi yung mga nagdadaan sa aisle ng bus kahit nahaharangan nila ang pinapanood ko. c****x na eh. "So you like that?" "Yeah!" Nagulat din ako sa sarili ko dahil napasagot ako. Nilingon ko ang bagong tumabi sa akin at akala ko luluwa na ang mga mata ko! Halos pati puso ko at pwetan ko, tumalon sa pagkabigla. "Oh? I-- I never see you coming."-Gulantang pa rin ako sa pagsulpot niya. He smiles and I swear! I'm melting! Oh wait? What?! "I smiled to you but then didn't mind me. I thought you were mad at me." "Huh? Me?! Mad at you? No! No! I'm not.. I'm sorry. Hindi talaga kita napansin.."-Pagpapakumbaba ko. Nakakahiya namang kanina pa pala siya nakatingin sa akin tapos ako nganga pa dito sa panonood. Hays! He giggles and then look at me.. "I'm glad to see you here -- again." Oh my? Kanina focus ako sa pinapanood ko, ngayon mas gusto ko ng mag-focus sa kanya. Oh Lord! Am I crushing him na ba? Nagkaka-crush lang ako kina Theo James at -- pero kay Jeff? Argh! It can't be! But why not? I don't know? Argh! My beating rapidly whenever I see him.. Isn't still normal?  "So? Naglayas ka ba?"-Paninira niya ng pantasya ko -- ay este! Pagmumuni-muni ko. "Ah?"-Napatingin ako sa mga dala kong bag. "Ahh.. Hindi, doon na ako ulit sa dorm ko."-I smile. "I see.."-Dumungaw siya sa may bintana kaya napatingin ako doon. "Let’s go?"-He ask lively. "Lets go?!"-I confusingly ask too. He just smile and took my huge bag-pack. Gosh! Tumayo na siya para yata bumaba at wala naman din akong magagawa dahil nasa kanya ang bag ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD