Maddi's POV~
"So? How do I look?"-Ingrid ask us as she went out from the fitting room.
"Gorgeous."-Reign.
"You are so beautiful!"-Natalie.
"How would you manage yourself to fit in every clothes you'll wear?!"-Yeah, I admit. Ingrid nailed it all!
"Shut up guys!"-But she's just being modest. She had all the confidence compare to us. Natalie is the next one.
Ingrid is beautiful and sweet, but there are one only three things she doesn't like; Delays, Liars and calling her fat!
Tawagin mo na siyang panget, wag lang mataba. Pumapatay yan. Hehehe. Joke lang po.
"Come on Reign! You have to try this dress! You have a model like body, for sure mas bagay sayo yun!"-Paghila ni Ingrid kay Reign sa fitting room.
Kung nagtataka kayo bakit kami nagsusukatan dito sa mall, well may pupuntahan kasi kaming birthday party. A debut actually. Who's debut? Reign's sister. The one next to her.
May mga napili na kaming mga dresses. Isa-isa muna kaming nagsusukat para malaman ang opinyon ng bawat isa.
"Giiirls! Look what we have here! Cara Delevigne in disguise!"-Halos tili ni Ingrid pagkalabas nila ng fitting room.
Hinatak pa niya si Reign palabas ng fitting room at lahat kami na-mesmerize sa kanya!
"Wooow!!! Ang sexy mo Reign!!!"-Halos lumundag na si Natalie sa tuwa.
"Yeah! Bakit kaya hindi ikaw nalang ang mag-model para sa sarili mo? Mas mukha ka naman talagang model!"
"Oh my? No no and a big NO!!! I would wear this for that and only that day!!!"-She protest.
Ang ganda ng napili ni Ingrid at Natalie para sa kanya. Isang long black fitted lace with long sleeves dress, mas lalong lumitaw ang curves niya kasi slim talaga siya. A body to die for! Siya ang pinakamatakaw pero parang hindi man lang tumataba!
"I envy you Reign! If I have to kill you to have that perfect curves, I would."-Seryosong saad ni Ingrid kay Reign.
"Grabe ka naman Grid, may galit talaga sa akin?"
"Sa'yo wala, sa katawan mo, meron!"
"Ako naman ah? Saglit lang ito."-Pumasok na si Natalie ng fitting room at nagkukulkulan naman yung dalawa sa damit nila.
Ang napili ko kasing dress, isang simple white tube cocktail dress lang. Hindi ko trip ang mga long gown kagaya nila Ingrid at Reign. Kahit si Natalie, pink mini tube dress lang ang kinuha. Ayaw naman daw niyang matalbugan ang debutant.
Nung ako na ang magsusukat, naririnig ko ang usapan nilang tatlo sa labas. Tungkol daw sa escort ng kapatid ni Reign. Gwapo daw at sikat sa school ng kapatid niya kahit hindi naman daw dun nagaaral.
"Ahm-- so?"-Pagtawag ko ng atensyon nila pagkalabas ko ng fitting room suot ang dress.
Nakatulala lang silang tatlo sa akin.
"Huy? Panget ba? Papalit--"
"NO!!!"-Sabay-sabay nilang sigaw at pagpigil sa akin.
"Ano ka ba?! Ang ganda mo kaya! Dapat nakalugay ka tapos konting make-up para lumitaw pa ang kagandahan mo."-Saad pa ni Ingrid habang kinakalikot ang buhok ko. Naka-ponnies kasi ako.
"Para ka lang a-attend ng prom! So cute Madz."-Natalie
"Date nalang ang kulang!"-Reign.
"Tama!!!"-Sagot pa nung dalawa kay Reign.
Matapos naming bilihin ang mga damit, nag-ikot ikot pa kami para naman sa sapatos. Kung maitatanong niyo, sakto lang ang budget ko. Mapilit lang talaga si Natalie na mamili kami. Saka para din maayusan daw si Reign. Syempre debut ng kapatid niya tapos gusto lang daw niyang magpantalon at t-shirt dun? Hays.
Ngayon, hindi siya nakapalag kina Ingrid at Natalie. Mga fairygod mother namin in disguise.
Nag-stop over kami sa isang shoe shop at nagsipagpilian na kami ng mga sapatos na babagay sa mga damit namin.
Napansin kong pumipili ng sneakers si Reign kaya nung nakita siya ni Ingrid, pinukol sa kanya ang hawak niyang sneakers. Pasaway talaga.
May kukuhain na sana akong sapatos ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng pants ko kaya dinukot ko muna para tingnan.
May text-- Oh-oh?!
Si Jef.
Well, ilang weeks na rin ang lumipas matapos mangyari ang pagtulog ko sa kanila na yun. Never ko yung nabanggit kahit kanino, even sa kanilang tatlo.
(Hi MaddiJ )
Hanggang sa mga text niya talaga may mga smiles? Kapag nakikita kong ganyan ang mga text niya, nai-imagine ko rin yung mga ngiti niya. Wait, what?
Dali-dali naman din akong nag-reply sa kanya.
(Hello )
Wala pa man din pero natutuwa ako at palagi siyang nagte-text.
(Busy?)
Ang bilis niya rin mag-reply ah.
(Not so.)
Oo na. Ako ng boring ka-text.
(I see.)
Yan lang talaga reply niya? Yaan na nga. Baka isipin pa niya gustong-gusto ko talaga.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bulsa ko ng bigla itong tumunog.
Pagkatingin ko, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.
Lumabas muna ako ng store at nagtago dun sa tatlo, hindi naman siguro sila maghihinala.
"H-hello?"-Sabay pa kaming sumagot.
(Ah? Hi!)
"Hmm- napatawag ka?"
(Ah-- n-ngangamusta lang kung hindi ka busy.)
Palagi niya akong tinatawagan lalo sa gabi. Para kami magka-phone pal pero nabababaan ko siya kapag alam kong may papalapit sa kwarto ko. Baka kasi mama yun at mahuli akong gising pa.
"Ahm-- Okay. Actually nasa mall ako, kasama ko sila."-Medyo para akong ewan dito. Nangingiti akong mag-isa.
(I see. May bonding pala kayo ng mga best friend mo.)
(Tanongin mo na pre!)
Rinig ko sa linya niya. May kasama din pala siya.
(Wag ka nga dito! Dun ka!)
Pagtaboy niya yata sa kausap niya.
(Ah- sorry ah? Ang kulit lang ni Carl eh. Yung best friend ko..)
I giggled. "It's okay."
(Huy pre dali!)
(Isa pa? Uupakan na kita!)
Ang kulit din pala nilang magusap ng best friend niya. Nagkakakwentuhan kami tungkol sa mga kaibigan namin at base sa kwento niya, parang si Reign ang best friend niyang si Carl. Never pa nga lang namin nami-meet ang mga kaibigan ng bawat isa.
Natatawa nalang ako dito sa kulitan nila ni Carl sa kabilang linya.
(Sorry Maddi ah? Hyper na naman ang unggoy na ito..)
"O-okay lang.."-Natatawa kong sagot.
Maya-maya pa ay tumahimik na sila at kinausap na niya ulit ako ng maayos.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya bago nagsalita.
(Ah, Maddi? M-may la-- may lakad ka ba sa sabado?)
Medyo hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon.
Pero teka? Sa sabado daw?
"T-this coming saturday ba?"-Tanong ko rin.
(Oo sana eh..)
"B-bakit naman?"
(Ah- ano kasi. M-may pupuntahang birthday party kasi itong si Carl. Actually, kinuha siyang escort sa debut. Pinipilit niya rin akong isama kaso mao-o.p lang ako dun. G-gusto sana kitang-- a-ayaing-- sumama.)
OMG! Magkikita ulit kami?!
Pero teka? Ngayong sabado daw? Eh yun din yung araw ng debut ng kapatid ni Reign eh! Arrr!
Oh my! I would love to say "Yes" pero nakapangako na ako. At nauna na si Reign.
Napapakagat labi nalang ako kasi nanghihinayang ako.
"Ah- I would love to pero kasi-- debut rin ng kapatid ni Reign. Naka-Oo na kami sa kanya. Sorry."-Argh! Sayang talaga!
(No! No! It's okay.. N-na-nagbabakasakali lang din naman ako.)
(Wooh!! Nagbabakasakali, pero pina-practice?!)
Rinig ko pang sigaw sa kanya.
(I'm sorry talaga. Alam mo, gusto ka nang ma-meet niyan kaya pinipilit din akong ayain ka.)
Natuwa naman ako sa sinabi niya. "Thanks. But I'm sorry talaga. "
(Okay lang. Marami pa namang pagkakataon.)
"Huy Maddi! Bakit ka nandyan?!"-Sigaw ni Natalie kaya napatingin ako sa kanila sa loob.
(Tinatawag ka na nila. Sige, pasensya sa istorbo ah?)
"Hindi, okay lang.."
(Sige.. Bye..)
"Bye.."-Dali ko na ring itinago ang phone ko at bumalik sa kanili sa loob. Hindi naman na sila nagtanong kung sino ang kausap ko.
.
.
.
"Oh? Walang munang titingin ah? One, two, three! Ta-da!"-Sigaw ni Ingrid.
Pinapapikit pa kasi kami ni Natalie para surprise daw ang transformation ni Reign. Si Natalie na ang nag-ayos sa akin kasi hindi rin ako marunong mag-make up o mag-hair do. Mabuti pala't tipid kami sa pagpapa-parlor dahil sa mga ito.
"Oh my Reign! Ikaw na!"-Tili ni Natalie.
"Davah?!"-Ingrid.
"Parang ikaw na ang magde-debut Reign."-Puri ko naman.
Ang ganda niya talaga! Para siyang a-attend ng Oscars o Golden Globe Awards!
"Ngayon lang ito ah? Unless, may ikakasal na sa inyo."-Pagmamaktol ni Reign pero honestly, ang ganda-ganda niya talaga!
Well, maganda naman talaga siya. Hindi lang din nag-aayos. Bumagay sa kanya ang dark make-up kasi maputi naman siya. Tapos naka-messy bun kaya mukha talaga siyang elegante.
"Oh my Madz! You're so gorgeous!"-Biglang sigaw naman ni Ingrid sa akin.
Nilapitan niya ako at pinaikot para tingnan pa talaga.
"Ang ganda mo naman! Bagay na bagay sa'yo yang dress mo, pati pagkakaayos ng buhok at make-up mo--"-Ingrid.
"Ehem! I know, right? Thanks!"-Singit ni Natalie.
"Ikaw nga dyan ang ganda-ganda eh. With or without make up."-Puro ko naman sa kanya. Effortless beauty ba.
"Ayk! Tama na ang utuang ito! Magaganda talaga tayong lahat, period!"-Sigaw ni Ingrid.
Nag-ready na kami para umalis dahil sa Demetra Palace sa Quezon Avenue pa ang venue ng debut. Narito kami sa bahay nila Ingrid dahil dito lang maluwag-luwag at pupwede.
"Ma! Aalis na po kami!"-Sigaw ni Ingrid kay Tita Evita, ang mama niya. May kaedaran na ito pero groovy pa rin. Kaya din namin gusto dito kina Ingrid dahil nakakatuwang kausap din si tita.
"Oh? Teka lang!"-Sigaw ni tita habang nananakbo papalapit sa amin dito sa may gate nila.
"Bakit ma? Bibigyan mo ko pera?"-Ingrid.
"Ang kapal mo Ingrid. Mag-jeep kayo para makatipid ng gas."-Natawa naman kami sa mag-ina. Kay tita lang hindi umuubra si Ingrid eh. "Picture-ran ko muna kayo! Yung huling nag-ayos kayo ng ganyan noong JS niyo pa nung high school eh"-Wika pa ni Tita Evita.
Oo nga naman. Nakakatuwang alalahanin din yun. Parang kailan lang.
Nag-pose kami at kinuhaan ng litrato ni tita sa digi cam niya.
"Ay tita, dito rin po pwede?"-Inabot naman ni Reign ang pang professional cam niya.
"Ay, papaano ba ito? Dito ba pipindutin?"-Pinagaaralan ni tita ang camera.
"Sa kanan ma, pang turn off yan!"
Nag-pose ulit kaming apat para makuhanan ng litrato bago tuluyang umalis.
Actually, may kotse si Natalie, rich girl, remember? Kaso tamad mag-drive kaya may driver siya. Pero mag-isa lang siyang nagpunta dito kanina. Kaya si Ingrid ang pinag-drive niya tutal ito lang din naman ang marunong magmaneho sa amin bukod sa kanya.
Madali lang ang byahe dahil kahit rush hour. Nakarating kaagad kami ng Hotel sa venue ng debut on time.
"Good evening ladies, saan po sila?"-Bati nung receptionist sa entrance.
"Eden Garden.. Celedine's Debut.."-Sagot ni Reign sa receptionist pagkalapit namin.
"Okay, this way mam."-Ni-lead niya kami sa loob ng hotel.
Napakaganda dito! First time ko lang ding makapunta. Dito palang sa baba napakagarbo na ng mga displays, at yung mga salamin at chandelier, parang gawa sa krystal.
"That way mam to the garden."-Nahinto kami sa parang tunnel na napapalibutan ng mga stem plants.
"Thank you."
Naglakad na kami papasok dun at napakaganda talaga! Kahit gabi, buhay na buhay ang paligid at kitang-kita mo ang mga halaman sa paligid.
"Bongga pala talaga ng debut ng kapatid mo Reign. Dapat talaga nag-debut ka na rin nun eh!"-Bati pa ni Natalie.
"Ayoko nga! May pasayaw-sayaw at pagsusuotin pa ako ng mabigat na gown? Di nalang talaga!"
"Arti mo! Ang sabihin mo, mas gusto mo talagang perahin nalang yung pang debut mo nun!"-Ingrid.
Well, pareho lang naman kami ni Reign hindi naranasan yan. Kasi siya mas gusto niyang perahin para makabili daw siya ng bagong camera at ibang kagamitan sa photography niya. Ako naman, hindi na ako nag-demand. Marami pang pinapaaral ang parents ko at hindi ko naman talaga kailangan yun. Tama lang na mai-celebrate ko kasama ang pamilya ko at silang tatlo.
"Good evening mam, your invitation?"-Bungad sa amin nung gwardya sa dulo ng tunnel.
"Hala? Invitation? Mayroon ba tayo nun?!"-Parang nagpa-panic si Natalie.
"Sira ka talaga! Eto po kuya."-Reign.
Ipinakita na namin ang mga invitation namin sa guard. Kahit kapatid ni Reign yun, mahigpit ang security. Nagbibiro lang si Natalie kanina.
Pagkapasok namin, talagang lahat kami ay namangha sa ayos nitong party. Napakalaki at ganda ng garden, plus may mga butterflies pa sa paligid.
"Wow.. Kung naging mayaman lang din kami, dito ko rin gustong mag-debut nun."-Ingrid.
Nag-debut naman siya noon kahit simple lang. Actually, surprise party namin yung tatlo at ng mama niya sa kanya. Ayaw niya rin sanang mag-debut pa kaso mapilit talaga si tita Evita kasi nag-iisang anak niya si Ingrid. Kaya humingi siya ng tulong sa amin at kami naman na ang nagplano.
"Mama!"-Sigaw ni Reign kaya napatingin sa aming lahat ang mga tao.
Gosh! Nakaramdam bigla ako ng hiya!
Nagbeso sina Reign at tita Azur, ang mama niya na napakasarap mag-bake.
"Hello po tita Azur."-Ingrid.
"Ang gaganda niyo naman! Tara, dun kayo maupo."-Pag-aya pa sa amin ni Tita Azur.
Sa dulong table kami in the first row. Ayaw ni Reign na malapit sa mga kamag-anak niya. Ewan ko ba dun. Buti nalang solo naming apat lang ang mesang ito kahit pa pang animan ito.