Nakatingin lamang ako sa labas ng bahay ng asawa ni Hugo. Simula nang halikan niya ang noo ko kanina ay nagpaalam naman siya sa akin na maliligo lamang. Ayoko naman sumama sa kaniya dahil baka mamaya ay mangyayari nanaman. Pinagmasdan ko ang notebook na dala-dala ko. Nang pumasok na kasi si Hugo sa kwarto niya ay idinala niya ako sa isang kwarto. Ang sabi niya ay isa raw ito sa mga guest room. “Anong klaseng guest room ‘to? Guest room na may library?” nguso ko pang tanong sa aking sarili. Kinakabahan akong tignan ang librong ito. Alam kong pagsisisihan ko kung babasahin ko ito at papakialaman ko. “Ito ang diary ng asawa ni Hugo,” bulong ko. Nakita ko ito sa gilid ng isa pang libro. Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko kung gaano iyon kapareha ng sulat ko. Sa unan

