LUMALIM ang gabi at si Alexandra parang wala na sa sarili. Sa dami ng nainom niya ay nalasing siya. Hindi niya kasi alam na malakas ang tama ng alak na nainom. Hindi na rin niya nakontrol ang sarili dahil sa kasiyahan ngayong gabi. ""Brod, I want to pee..."" bulong niya kay Xander at parang naging tropa niya ito nang malasing na siya. Inakay naman siya ni Xander papunta sa restroom ng club. ""This way, ate."" Todo alalay si Xander at kahit nakainom na rin ito ay nasa wastong katinuan pa. Pagdating sa pang-babaeng restroom ay binitawan na siya si Xander. Subalit itong si Alexandra lunod na sa kalasingan at hindi na makalakad nang maayos. Buti na lang rented ni Xander ang buong club ng gabing iyon at halos lahat ng naroon ay bisita at kakilala nito. Wala tuloy problema kahit na pumasok s

