***LAWRENCE'S POV*** NAGISING si Lawrence buhat sa mahimbing na pagkakatulog. Nasa malaking bahay siya sa Rancho Villaruiz at dito siya natulog o nagpalipas ng gabi. Subalit nang pagkagising na pagkagising niya ay agad siyang kinausap at tinanong. Tanong na hindi niya alam kung ano ang isasagot. ""Ano? Deal?"" tanong sa kaniya. Si Dylan ang nagtatanong sa kaniya at ito ay daddy ni Alexandra. Nagkaroon ng pakiusap si Dylan sa kaniya. Gusto nitong sa Rancho Villaruiz siya pansamantalang manirahan muna kasama si Alexandra. ""Eh... Sir..."" Hindi alam ni Lawrence ang isasagot. May bahagi ng utak niya ang payag at mayroon namang hindi. Pero sa totoo lang mas nangingibabaw na gusto niyang tumanggi. ""Mayor San Claria, hindi ka pwedeng tumanggi dahil nasabi ko na sa kaniya na dito ka na ti

