***LAWRENCE'S POV*** LUMIPAS ang ilang oras ay nabatid na ni Lawrence na ilang hakbang na lang ng kabayo ay nasa pakay na lugar na silang dalawa ni Alexandra. Subalit hindi siya nagpakita ng kakaibang kilos na mahahalata siya nito. Hahayaan na lang niya na si Alexandra ang makapansin iyon. Ilang sandali pa ay narinig niyang tinatawag siya ni Alexandra. ""Wait, mayor!"" Pinapahinto siya nito. Kaagad namang huminto si Lawrence nang marinig niya si Alexandra. Nilingon niya si Alexandra at nakita niyang gumamit ito ng binocular at tiningnan ang paligid. ""What is it?"" usisa na rito. ""I think we're here!"" sagot nito. ""You sure? How did you know?"" aniya. Syempre ay may halo na namang konting acting ang pagsalita at kilos ni Lawrence. Luminga-linga pa nga siya para suriin ang palig

