TUNAY ngang ang kamukha ng paglubog ng araw ay kalungkutan at dalamhati. Sinasabayan ko ang tanawing iyon ng aking pag-iyak. Nang tuluyang lumubog ang araw at dumidilim na ay naisipan ko nang bumalik sa hotel. Pero pagtayo ko pa lang ay nakita ko si Pip na naglalakad sa direksyon ko. Naka-white t-shirt siya at short. Hanggang sa makita niya rin ako at saglit na natigilan sa paglalakad. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap akong hindi siya nakita. Naglakad ako at balak na siyang lampasan pero nagulat akong pigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa dagat. "Bakit ka napatawag kanina?" Natigilan ako. Pano niya nalamang ako yun? "H-hindi kita tinawagan..." tanggi ko at umangat lang ang gilid ng labi niyang nilingon ako. "Sinungaling." Napan

