Trigger warning: DEATH
IT'S been a month and all is well. Hindi na ako yong babaeng palaging emo lalo na pagdating sa bahay.
Siguro dahil una, palagi akong pinasasaya ni Pip. Pangalawa, maayos na maayos na kami ni mommy, at although inis parin ako kay Rico ay hindi na niya sinasaktan si mommy at dahil siguro iyon sa pagbubuntis ni mommy at ngayon nga ay halata na ang paglobo ng kanyang tiyan. At pangatlo, I'm now stepping to my dream which is modeling at unti-unti ko iyong mararating.
"One more time, do the same pose but with different facial expression, please." anang photographer habang kinukuhanan ako ng litrato.
Naroon kasi ako sa company ng POSE modeling management at naggo-go see or audition sa agency nila. Since wala pa akong porfolio na maipakita sa kanila ay hiniling nila na kuhanan ako ng litrato on-the-spot.
After that, they interviewed me about my life and experiences but since it's my first time and still a student, they suggested me to join to be their trainees and I accepted it right away.
"Kumusta ang audition?" tanong agad ni Pip pagkatapos akong halikan sa pisngi nang sunduin niya ako nung pauwi na ako. Galing pa siya sa trabaho niya.
Napangiti naman ako at napayakap sa kanya. "Magti-traning na kami next week, I'm so excited!" masayang balita ko sa kanya.
"Yown! Galingan mo ah." aniyang napatitig pa sakin habang hinahawi ang mga nagkalat na buhok sa mukha ko.
Dumaan muna kami sa isang kainan dahil napagod at nagutom kami sa kanya kanya naming lakad.
"Grabe, pasko na agad next week noh?" sabi ko habang hinihintay namin ang order namin.
"Oo nga. San kayo magce-celebrate?" tanong naman niya.
"I don't know. Baka sa bahay lang ulit. Saka kahit naman mag-ayang lumabas yung Rico na yun ay hindi ako sasama."
"Gusto mo ba date tayo sa pasko?"
Napangiti naman ako sa tanong niya at tumango agad.
"Pero baka may lakad din kayo ng family niyo. Mas importante yun."
"Edi isasama parin kita. Importante karin sakin no." malambing pang sabi niya at kinilig naman ako.
Maya maya ay dumating na ang in-order naming pagkain. Agad naming sinimulang kumain.
"Bakasyon narin natin in two days. Ang bilis talaga ng araw!" sabi ko.
"Mas marami narin akong araw makakapagtrabaho." nakangisi naman niyang sabi.
"Ako naman, magiging busy na sa training ko yiee!"
Mabilis na lumipas ang mga araw. Araw ng pasko kaya naman excited ako dahil mamamasyal kami ni Pip. Pero bago pa man ang alas dose ay uuwi agad kami para ipagdiwang namin ni Mommy ang noche buena. Marami siyang inihanda kahit na kami lang naman ang naroon. Iyon ang unang beses na naghanda siya ng marami para sa pasko.
"Anak."
Napalingon ako kay Mommy nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Kasalukuyan akong nagaayos para mamaya sa date namin ni Pip.
"Mom?"
Agad siyang lumapit sakin dala ang box na regalo.
Tumabi siya sa akin na nakaupo sa kama at nagsusuklay.
"This is my christmas gift for you." nakangiting sabi pa niya habang inaabot iyon.
Excited naman agad akong tinanggap iyon.
"But wait, mamaya mo na buksan. Pagbalik niyo ni Philip."
"Sige po, mommy." nakangiting sabi ko. "At siyempre, hindi naman pwedeng wala din akong gift para sa iyo noh."
Napasinghap naman si mommy pagkakita sa regalo ko sa kanya. "Oh my God. Thank you, sweetie."
"Mamaya mo narin yan buksan mommy."
"Okay, anak. But I can't wait to open it!" she giggled kaya nahawa naman ako at natawa sa reaksyon niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasaya.
Tuloy ay nagsisisi akong dapat noon ko pa siya pinatunguhan ng maayos.
Dahil doon ay niyakap ko siya na mas lalo niyang ikinabigla.
"I love you, mom." maluha-luha kong sabi sa kanya.
Agad naman niyang tinugon ang yakap ko at hinaplos pa ang buhok ko.
"I love you too, anak. This is the best day of my life. Kahit mamatay man ako ngayon ay wala akong pagsisisihan dahil nandyan ka anak at pinatawad mo ko sa mga kasalanan ko sayo." naluluha naring aniya.
Agad akong humiwalay sa kanya at sumimangot.
"Mom, ano ka ba. Don't say that." saway ko sa kanya pero ngumiti lang siya ng matamis. "Matagal pa tayong magkakasama. Lalo pa't madadagdagan pa tayo ng isa pang pamilya..." sabi ko saka bumaba ang tingin sa tiyan niya.
Tila hindi naman niya iyon inaasahan saka napatingin narin sa kanyang tiyan.
Napangiti ako at hinaplos ang tiyan niya at dinama iyon.
"T-thank you anak..."
"Hm? Saan po?"
"Sa pagtanggap mo sa kap---sa baby."
Ngumiti lang ako bilang pagtugon saka napabuntong hininga.
"Dahil sa baby, hindi ko na nakikitang may pasa ang mukha mo, mom." pag-amin ko. "Kaya itinuturing ko siyang anghel na tagapagligtas mo."
Natigilan siya at di nakapagsalita. Dahil hindi niya inaasahang masasabi ko iyon.
Walang namutawi sa bibig niya ng mga sandaling iyon. Bumuhos lang ang luha niya saka niyakap muli ako ng mahigpit.
"ANONG gusto mong palabas?"
Tanong sakin ni Pip nang makarating kami sa mall.
"Ito!" excited na sabi ko sabay turo sa romance movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richard. Ito yung sequel nung last movie nila nung 2019. Fan na fan ako ng movie na yun kaya naman di ko papalampasing panoorin!
Pumayag naman kaagad si Pip at bumili ng ticket at popcorn.
Maya maya ay pumasok na kami.
Pinili namin yung nasa gitnang pwesto at agad na umupo dahil nagsisumula na ang palabas.
Sa simula ay kilig na kilig ako sa eksina lalo na nung muling magkita ang mga bida at magkabalikan.
Pero nung kalagitnaan ay naging mapanakit ang palabas kaya naman napapaluha din ako kapag umiiyak ang character ni Kathryn.
Naramdaman ko na lang na inilapit ni Pip ang katawan sakin para yakapin ako at haplusin ang braso ko.
"Ba't ka umiiyak? Palabas lang yan." natatawang aniya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero baka hindi niya din napansin dahil madilim.
Nang matapos ang palabas at kalalabas lang namin sa sinehan ay medyo lumuwag ang pakiramdam ko dahil nakakatuwa naman ang ending ng story.
Ang sunod na ginawa namin ay kumain sa restaurant. Nag-ipon daw si Pip para mayaya niya ako doon.
Kaunti lang ang kinain namin doon dahil mamaya ay kakain pa kami ng mga inihanda ng mga magulang namin sa noche buena.
Pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa bahay nila. Binigyan ko silang lahat ng regalo at siyempre pinaka-espesyal ang regalo ko para kay Pip.
"Ang mahal nito ah!" bulalas niya pagkabukas ng regalo at tumambad ang Shoei Helmet.
Ngumiti lang ako dahil halatang tuwang tuwa siya. Matagal na niyang pangarap makabili ng ganoong brand.
"Thank you, babe." agad niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Pero bigla akong nahiya, mumurahin lang tong regalo ko sayo eh. Baka di mo magustuhan."
"Babe, kahit ano pa yan, magugustuhan ko basta ikaw ang nagbigay." malambing na turan ko sa kanya.
"Kahit palaka? Ipis? Daga?"
Sumama ang mukha ko at pinandilatan siya.
"Joke lang, babe. Ito oh." inabot niya ang maliit na paperbag.
"Bukas mo na buksan..." aniyang nahihiya pero hindi ako sumunod at binuksan agad iyon.
Agad na tumambad sa paningin ko ang gold bracelet na may mga sun shape na designs. Ang ganda niya kaya naman agad kong inabot sa kanya para ikabit yon.
"Nagustuhan mo ba?" aniya at agad naman akong ngumiti at tumango.
"Nasasangla ba to?" biro ko at tumawa naman siya at ang pamilya niya.
"Oo naman! Mura yan pero may halaga parin yan."
ILANG sandali lang ay inihatid na ako ni Pip sa amin.
Hinintay niya muna akong maisara ang gate bago siya umalis.
Pagkapasok ko ay napakatahimik ng bahay bagaman bukas lahat ng ilaw.
Nang matanaw ko ang mga pagkain sa malaking lamesa ay napangiti akong tutungo na sana kusina pero mayroon akong nahagip baba ng hagdan.
Natigilan akong makitang may nakahandusay doon sa sahig.
Agad na nanlaki ang mata ko nang makitang si mommy iyon.
"Mommy!!!"
Patakbo akong lumapit at lumuhod sa tabi niya.
"Mommy, anong nangyari!"
Pero agad ko ding natakpan ang bibig ko matapos kong makita ang maraming dugong umagos mula sa ibabang bahagi ng katawan niya.
"Mommy!!!" pumalahaw ako nang hindi siya gumagalaw kahit anong gising ko sa kanya.
Nagsimula akong napaiyak nang makita kong may mga sugat at black eye ang mukha niya.
Agad ko siyang isinandal sa binti ko pero natigilan din akong maramdaman ang basang likurang bahagi ng ulo niya.
Nanginginig akong inangat ang palad ko ko nanlalaki ang mga mata kong makita ang dugo doon.
"Mommy!!!" napahagulgol ako ng iyak lalo na't wala siyang malay kahit na anong gawin ko. "Mommy, please gumising ka. Wag mo kong iiwan mommy!!!"
Patuloy lang ako sa pag-iyak at saka ko lang napansin ang lalaking nakaupo sa pinakaitaas na baitang ng hagdan. Nakayuko lang siya at nakasambunot ang mga kamay sa ulo nito.
Agad na sumiklab ang galit ko sa kanya at tiim-bagang ko siyang sinugod.
"Hayop ka! Anong ginawa mo sa mommy ko!!!!" sigaw ko sa kanya saka siya pinagpapalo. "Anong ginawa mo!!!!?"
Ngunit wala siyang sagot. Tila tulala siyang nakayuko at walang pakealam na tinatanggap ang pananakit ko.
"Pinatay mo ang mommy ko!!!" pahagulgol na sigaw ko.
"D-di ko sinasadya..."
Aniya kaya mas lalo akong nagsumiklab sa galit.
"Di mo sinasadya?! Sinaktan mo ang mommy ko at di ka pa nakontento, pinatay mo pa siya?!!" muli ko siyang pinagpapalo dahil sa di matawarang galit ko. "Ibalik mo ang mommy ko! Buhayin mo siya!!!"
Hanggang mapagod akong bugbugin siya.
Umiiyak muli akong lumapit kay mommy.
"Mommy!!! Please, wake up!!" humagulhol ako ng humagulhol at hinihiling na hindi totoo ang nangyaring iyon.