“I cant believe this, artista ako tapos naka jeep ako? Oh wait, its okay para ipakita sa fans ko na simpleng tao lang ako. I can commute too” banat ni Enan. “Siraulo ka, kotse na daw ni Gregory gagamitin mamaya kasi mas malaki at kasya tayo doon lahat” sabi ni Shan. “Teka nasan si Clarisse? Nag aaway ba kayo?” tanong ni Enan.
“Hindi susunduin natin siya” sabi ni Shan. “Pumayag siya na lalabas tayo?” tanong ni Enan. “Yup pero sasama daw siya” sagot ng kaibigan niya. “Yan ang maganda pag may girlfriend ka, may taong concerned sa iyo. Isang araw mararanasan ko din yan pare” sabi ni Enan. “Drama mo men, e ano tawag mo sa concern namin sa iyo?” tanong ni Shan.
“Pare, as friends yon. I also want what you have. Oy teka di ko sinasabi na gusto ko si Clarisse ha. I meant yung may girlfriend din ako sana na concerned sa akin. Tao din naman ako kahit papano, I know how to love and maybe I deserve to be loved back” sabi ni Enan. “Everyone deserves that pare, dude naman tama na drama. Save it for later pag umiinom na tayo” sabi ni Shan.
Pagdating sa bahay nina Clarisse bumukas agad yung pinto. “Enan, I heard about it. I am so sorry iho” lambing agad ng nanay ng dalaga sabay niyakap ito. “Tita I am fine, I am so flattered naman at pati pala mga fans ko dito updated tungkol sa aking love life” banat ni Enan at natawa yung matanda.
“Once again I have graced your rich neibhorhood with my presence” sabi ni Enan pero bigla siya tumahimik nang lumabas tatay ni Clarisse na tumatawa. “Long time no see Enan, funny ka parin as usual” sabi ng matanda. “Nice to see you too tito, would you like an autograph?” landi ng binata at narinig na nila tawa ni Clarisse.
“Tara na ihahatid tayo ni daddy” sabi ng dalaga. “Oh my God! We are going to ride your BMW? Naku po titibay nanaman artistahin status ko nito. May sun roof yon diba? Pwede ba ako lumabas don para makita ako ng fans ko?” tanong ni Enan at tinaasan siya ng kilay ng ama ng dalaga.
“Oh come on Rodolfo, he just had a heart break pagbigyan mo na” lambing ng nanay ni Clarisse. “Oh, sorry to hear that. Sige you may” sabi ng ama ng dalaga kaya nauna pumasok sa kotse si Enan kaya pinagtawanan siya.
Pag andar ng kotse talagang tumayo sa loob si Enan at nilabas upper body sa sun roof. Sina Clarisse at Shan nasa likod, laugh trip sila at tatay ng dalaga napapailing nalang at natatawa pagkat pakaway kaway si Enan at kumakanta pa ng theme song ng Titanic.
“Today is gonna be a good day, I know it” sabi ni Enan. Si Violet pababa na ng jeep, pagkababa niya biglang nagtawanan ang mga tao sa paligid niya at may tinuturo na kotse. Pagtingin ng dalaga bigla siyang natawa nang makita si Enan nakalabas upper body sa magarang kotse.
Pakaway kaway ang binata na parang beauty queen, “Hi fans! Pasensya na natraffic yung mga escorts ko. Mamaya autograph signing ulit tayo after classes” landi ng binata. Si Violet nagtakip ng bibig sabay tumawa pero bigla siyang napatigil nang nakita niya si Enan nagtaas ng mga kamay, pumikit ang binata sabay ngumiti. “Ay tangina!” hiyaw ng binata nang nag sudden stop yung kotse, muntikan na siya napalabas sa kotse pero nahawakan ni Shan ang mga paa niya.
Upper body niya napahiga sa salamin ng kotse, halos yakap ng binata yung salamin habang sa loob napatawa talaga ng malakas tatay ni Clarisse. “Daddy talaga ang bad mo, he almost fell out” sabi ng dalaga. “Sorry, iho are you okay?” tanong ng matanda. Si Enan tumayo, “Fans relax I am okay, pinapakita ko din na marunong din ako sa stunts. Nagulat kayo ano? No need to be concerned, I too am an action star…tito wag mo na uulitin yon ha uututan talaga kita sige ka” banta ng binata.
Napangiti si Violet pagkat nakita niya ama ni Clarisse tumatawa. Nung napatingin si Enan sa kanya, ang dalaga kakaway na sana at ngingiti pero si Enan agad niyuko ulo niya at pumasok na sa kotse na nakasimangot. Nakaradam ng kirot si Violet sa puso niya kaya medyo nagsisisi na siya sa kanyang mga nasabi sa binata.
Pagdating sa parking area, “O late kayo uuwi diba? Itext mo lang ako kung gusto niyo magpasundo later” sabi ng matanda. “Di na dad, may kotse si Greg” sabi ni Clarisse. “Tito, medyo worried ako kaya be on standby. Kasi naiimagine ko na kotse ni Greg e, kung may banana boat, malamang may banana car, unggoy kasi yon e. Gregory alyas Gregorilla” banat ni Enan at tawang tawa talaga yung matanda.
Pagsapit ng dismissal namangha ang lahat sa kotse na dala ni Gregory. “Wow..pare kotse talaga” sabi ni Enan. “Ano naman akala mo banana car?” tanong ni Greg at biglang natawa si Clarisse at Shan pagkat yon talaga sinabi ni Enan noong umaga. “O bakit kayo natawa?” tanong ni Greg. “Wala pre, tara na” sabi ni Shan.
Kinahapunan non, sa isang bar sila nag inuman, “Alam niyo mapapaaway ata tayo dito e. Look at the pretty girls all looking at me. Tsk magseselos mga boyfriend nila e. Please girls ilugar niyo naman pagnanasa niyo sa akin. Iwas gulo kami today, nagsasaya kami at ayaw namin ng away kaya please lang keep your panties on, I know you want me that bad pero please wag today” banat ni Enan.
Ang lakas ng tawanan nila kaya lahat talaga napatingin sa kanilang lamesa. “O see that, sus naman, they cannot have enough of me. Hala sige girls, stare all you want, pero take note walang kanin dito” sabi ni Enan.
“Ano naman konek ng kanin?” tanong ni Clarisse. “My God, alam mo ba sinasabi nila sa akin? Titig lang ulam na, so kanin nalang kulang no. I am sure habang tinitignan nila ako sa imagination nila kumakain na sila ng kanin at ako yung ulam…hoy Greg wag ka na umepal at desert ka lang, saging lang ang desert” banat ni Enan at laugh trip ulit sila.
“Saka ka na maiisip pag wala nang ulam. Ikaw yung no choice food” hirit ni Enan kaya todo halakhakan ang magmakakaibigan. “Grabe kakabagin nanaman ako sa iyo pare” sabi ni Shan.
Ilang oras lumipas nakalabas na sila ng bar. “O okay pa ba ang lahat? Tara foods naman tayo doon o” sabi ni Greg. “Pare I love you na talaga, tara na daw pero pare food ha hindi banana” sabi ni Enan na tamado na. “Uy alalayan mo nga yan” sabi ni Clarisse kaya inakbayan siya ni Shan.
Samantala sa loob ng isang dressing room nakahiga sa sofa ang isang dalagang artista. “Cristine, ready na yung kotse, nandon na yung driver” sabi ng bading na assistant niya. “s**t yan, bakit kasi saan saan siya nagpupunta?! Eeesh kanina pa sana ako nakauwi. Di niya ba lam pagod ako sa shooting tapos gagala gala siya? Find me another driver nga” sigaw ng dalaga.
Ilang minuto lumipas nasa loob na sila ng kotse. Si Cristine nakaidlip sa likod, nang namulat siya bigla siyang sumigaw. “Stop! Kakain ako doon at nakakatikim ako ng fries” sabi ng dalaga. “But Cristine you cant be seen sa fastfood na yan, breach of contract pag nakita ka nung taga ibang fastfood” sabi ni Jelly, ang assistant niyang bading.
“Wala ako paki! Nakakatikim nga ako e. Itabi mo doon nga dali!” sigaw ng dalaga. Sa loob ng fastfood restaurant nakita ng magkakaibigan yung itim na SUV na tumigil. “Oh my God, si Cristine Suarez” bigkas ni Clarisse. “Oh s**t, ang ganda niya talaga” bigkas ni Tommy.
“Hay naku nakita ko nanaman siya, tsk among all places dito ko pa makikita ex ko” banat ni Enan kaya pinagtawanan siya. “Wow pare lakas tama ka lang” sabi ni Greg. “Go ahead, ask her, sus, wala kayo tiwala sa akin e. Minamaliit niyo ako, ex ko talaga yan. Hala sige lapitan niyo siya tapos itanong niyo” sabi ni Enan.
“Jelly bilhan mo ako” sabi ni Cristine sabay nag abot ng pera. “Cristine I cant, tsk di talaga tayo pwede dito e” sabi ng bading. “Eeesh bwisit ka wala kang kwenta! Ako na nga lang” sigaw ng dalaga na inaantok at pagod. Sa loob ng fastfood pumila siya sa counter, mabaha yung pila kaya niyuko niya ulo niya at pasimpleng humikab.
“O yan na siya, sige go ask her” sabi ni Enan. “Whooo tae ka, kung ex mo talaga siya ikaw kaya lumapit. Sige nga, prove it” sabi ni Greg. “Dude, di maganda separation namin. Alam ko bitter pa siya kasi hiniwalayan ko siya. I know she still loves me pero di ko na kasi kaya masamang ugali niya e. O diba? Kumakalat talaga bad attitude siya, I can confirm it, di naman sa sinisiraan ko siya ha, pero it’s the truth, that is why we broke up” landi ni Enan at nagtawanan sila.
“Dare, prove it” biglang sabi ni Clarisse. “Oo nga, all talk ka e. Para maniwala kami sa lahat ng sinasabi mo patunayan mo now na ex mo siya. If you can do that sige lahat ng sasabihin mo maniniwala na kami” sabi ni Greg. “I don’t need to prove anything, di naman ako showy e. Pag sinabi ko, sinabi ko. Ex ko talaga yan e” sabi ni Enan sabay tumawa mag isa.
“Whooo all talk ka, tae ka pare. Wala na maniniwala sa iyo” sabi ni Tommy. Biglang tumayo si Enan, “You want proof? Sige pagbibigyan ko kayo. Pero teka lang pag nakita niyo sinampal niya ako that means bitter parin siya ha” sabi ni Enan at umariba sa tawa ang magkakaibigan.
Huminga ng malalim si Enan, naglakas loob siya lapitan yung artistang dalaga na nakapila. Si Cristine naman inaantok talaga kaya niyuko ulit ulo niya at pumikit. Nakalapit si Enan, napansin niya nakapikit yung dalaga kaya pasimple siya lumingon sa mga kaibigan niya at may naisip siya. Umakting siya, humarang para di makita ng mga kaibigan niya yung artista.
Sa lamesa natulala mga kaibigan niya pagkat parang nag uusap talaga yung dalawa. “Holy s**t” bigkas ni Shan na napatayo pa talaga sa gulat. “Oh God…they are really talking…ano? Totoo ba ito?” bigkas ni Clarisse. “What the hell…lapitan niyo nga” sabi ni Greg.
Si Enan nagpipigil sa tawa pagkat umaakting lang siyang nakikipag usap sa di kumikibong artista. Nagbiro siya, tumayo siya sa tabi ni Cristine, kunwari umakbay siya pero may distansya katawan niya sa dalaga. Si Cristine naman naalimpungatan konti, napasandal siya paside at sakto talaga nakasandal siya sa katawan ni Enan na nagulat.
Muntik na talaga nalaglag paside si Cristine kaya si Enan talagang umakbay sa dalaga at hinayaan ito sumandal sa kanya. Napatingin siya sa lamesa nila, lahat ng mga kaibigan niya gulat na gulat at tulala kaya napangisi sobra ang binata at tila nagpapasikat.
Ang inaantok na artista akala nananginip siya pero napasarap sandal niya kay Enan kaya umakbay din kaliwang braso niya sa katawan ng binata sabay hiniga talaga ulo niya sa balikat nito. Si Enan hindi makagalaw, ninenerbyos na siya pero natutuwa pagkat halos magtalunan sa tuwa ang kanyang mga kaibigan.
“Next please” sabi ng attendant, si Enan di parin makagalaw pero humakbang bigla si Cristine at natangay siya. Tanging yung magkakaibigan nakapansin sa artista, yung ibang customer at pati staff ng fastfood di talaga napansin na artista talaga yung dalaga.
Nakatayo na sila sa harapan ng counter, si Enan napalunok, “Ah what do you want?” tanong niya sa nanginginig na boses. Si Cristine humikab na nakakapikit, humarap sa binata at dalawang kamay yumakap. Si Enan parang nasa langit sa mga sandaling yon, napangiti yung attendant habang mga kaibigan ng binata lalong natulala sa nakita nila.
“Fries lang” bulong ni Cristine, “Fries lang please” sabi ni Enan. “The big one” bulong ng artista. “Ah..you heard her, make it the big one” sabi ni Enan na sa tuwa naglakas loob na haplusin likod ng dalaga. Si Cristine naman nagustuhan yung haplos kaya lalong yumakap sa binata at inakala na personal assistant niya lang na bading yon.
Habang nag nag aantay si Enan napatingin sa table nila at tuwang tuwa siya talaga sa itsura ng kanyang mga kaibigan. Nagpasikat pa siya, nilakasan talaga loob niya at hinalikan sa noo si Cristine. Halos sasabog na sa tuwa ang binata, pag abot ng fries sa kanya agad kumuha si Cristine at naglakad yung dalawa papunta sa pintuan.
Tumayo na ng tuwid ang dalaga at hinawakan fries niya. Si Enan napakamot sa ulo, di na sila nakikita kaya iniwan na niya yung dalaga. Si Cristine naglakad papunta sa kotse, inaantok talaga siya kaya kumatok siya at sakto agad lumabas si Jelly.
Muling sumandal ang dalaga pero bigla ito namulat pagkat iba yung naramdaman niyang katawan. Tinitigan niya si Jelly, “Dalian mo na pumasok ka na bago may makakita pa sa iyo dito” sabi ng bading. “Bakit iba?” bulong ng dalaga pero nagtaas siya ng kilay at pumasok nalang sa kotse.
Ineenjoy ni Cristine yung fries, “Hoy bakla yung sukli ko. Last money ko yan kasi di pa ako naka withdraw. Akin na sukli ko” sabi niya. “Wala kang inabot sa akin hello” sabi ni Jelly. “Inabot ko sa iyo yung one thousand, wag ka ngang sinungaling diyan. Pano mo binayaran itong fries then ha?” reklamo ng dalaga.
“Hello! Mag isa ka pumasok kaya at ayan o sa floor yung pera mo. Duh” sagot ng bading. Pinulot ni Cristine yung pera, nalito siya kaya tinignan niya yung assistant niya. “E sino nagbayad nito?” tanong niya. “Aba ma, ikaw yung pumasok na parang zombie, lumabas ka parang zombie. Baka naman sa tuwa nila nilibre ka nila” sagot ng bading.
“Ha? So you didn’t kiss my forehead?” tanong ni Cristine. “Kiss your forehead? Haller! Bakla nga ako bakit naman kita hahalikan? Lalake ka ba?” pabirong sagot ng assistant niya kaya si Cristine napahaplos sa noo niya sabay napangiti. “Maybe I was just dreaming then” bulong niya.
Samantala sa loob ng fastfood parang zombie si Enan pabalik sa lamesa nila. Pagkaupo niya lahat nakatingin sa kanya at di parin talaga sila makapaniwala. “O what?” tanong niya sabay ngisi. “s**t pare, ano ba talaga? Ex mo ba talaga yon? Teka nga, kakilala mo lang yon ano?” tanong ni Greg.
“I cant believe it, may ganon kang sikreto na tinatago sa akin?” tanong ni Shan. “Eto video, I took a video and still I cant believe it e” sabi ni Cristine. “Dude, di nga? Naging kayo ba talaga ni Cristine? s**t pare teka, naalis lasing ko as in naalis. Kaya ba nagkakaganyan ka na feeling artista kasi ex mo artista talaga?” tanong ni Tommy.
“My friends, minsan kasi maniwala kayo sa akin. Pag sinabi ko ex ko e ex ko talaga. O yan do you still need proof?” landi ni Enan. “Enan as in tell me the truth. We saw it pero sorry talaga kung nagdududa kami parin” sabi ni Clarisse.
“Ayan na nga o, may video ka na nga e. What more proof do you need. Well I was expecting sasampalin niya ako pero iba talaga artistahin e, look at the video, proof na yan na di pa siya naka get over sa akin no. Pero sabi ko sa kanya we keep it civil nalang, we stay as friends” banat ni Enan.
“Idol! s**t pare idol na kita. Grabe ka, sorry pare kung minamaliit kita ha. Ngayon pare inspired na ako sa iyo. s**t grabe bilib na ako sa iyo talaga Enan, you are my idol now” sabi ni Greg.
“I know right, ganyan naman talaga sa buhay. Yung mga binabalewala lang sila yung manggugulat sa lahat. See that, o ngayon will you stop doubting me now? Hay grabe kung makita niyo lang sana ibang mga ex ko. Pero let me just say si Cristine ang pinakamagandang naging ex ko, pero wala e, di talaga ako nakukuha sa ganda lang kaya it didn’t work” hirit ni Enan.
“Pare how can you keep a secret like that from me?” tanong ni Shan. “My best friend, don’t feel sad. Tulad ng sabi ko di ako showy, di ako pasikat. Pero kanina kasi pinilit niyo ako e. Di naman talaga ako ganon na tao, but you all forced me. So ayan to make you all shut up I proved it” sabi ni Enan.
“Alam mo pare parang gumwapo ka bigla” banat ni Tommy at nagtawanan yung magkakaibigan. “Hala sige kain na” sabi ni Enan na napatingin sa malayo at nagbungisngis. “Pero teka my friends, please keep this as a secret okay? Atin atin lang sana ito. I hope you understand” kabig niya.
“I get it kasi low profile siya ganon ba?” tanong ni Gregory. “Of course pare, tulad ng sabi ko kami ni Tiny, ahem term of endrearment ko sa kanya. Spelled as T-I-N-Y but pronounced as T-I-N-I, ah basta di kami showy. Its just like we keep our private lives private, redundant ba? Whatever” landi ni Enan at talagang di pa makapaniwala si Clarisse.
“Di ako nakainom, sane naman ako, totoo ba talaga ito? I mean eto nga nakikita ko yung video na kinunan ko pero…uy teka no offense ha Enan pala. I just cant understand why you keep a big secret like this from us” sabi ng dalaga.
“Hay naku simple nga lang sagot diyan, di kami showy” landi ni Enan. “Please respect my idol, kailangan din niya naman kasi protektahan si Cristine e. I get it” sabi ni Gregory at nagtawanan sila.
“Pare madami ako tanong sa iyo, sobrang dami” sabi ni Shan. “Like what? Kailan kami nagkikita ganon ba?” tanong ni Enan. “Yes, kasi lagi tayo magkasama e, ano ka mag dual identity, yung isa kasama kami tapos yung isa kasama mo siya?” tanong ni Shan.
“Are you kidding me? Gusto niyo pa talaga magkaroon ng dalawang ako? I am so flattered my friend. Iisa lang ako, I have to share myself to all of my fans. Minsan oo gusto ko nga magka clone pero wala e. Iisa lang ako, iisang artistahin, oo madami siguro nag iidolize sa akin kaya wag na kayo magulat pag itong si Greg ginagaya porma ko soon”
“Basta ganito ang buhay artista, masikreto kami. I fear that you will never understand this until you become an actor like me. So tanggapin niyo nalang muna okay? Come on now eat, late na at kailangan natin umuwi” sabi ni Enan sabay ngisi.