Minulat ni Cristine ang kanyang mga mata, una niya nakita ay si Enan na nakaupo sa tabi ng kama at pinagmamasdan siya. “Good morning” bulong niya sabay ngumiti. “Sorry, masama tuloy simula ng araw mo pagkat ako una mong nakita” sabi ng binata. “I smiled didn’t I?” pacute ng dalaga. “Sabagay buhay ka pa” biro ni Enan. “Sana wag ka magalit pala, I woke up around one then di ko makuha tulog ko so I cleaned your room” pacute ng dalaga. “Nakakahiya nga e, pero okay ba tulog mo? Kung gutom ka tiis ka muna kasi nag early grocery parents ko” sabi ng binata. “Hala sabi ko wag special treatment diba? Alam mo ba pag wala ka sa condo ang kinakain lang namin ni Jelly ay tuyo, paborito ko kasi yon e” sabi ng dalaga. “Imposible ka na” sabi ni Enan. “Totoo, pag off ko at bakasyon automatic yan, fried ri

