Huwebes ng umaga pagdating sa tambayan lumayo konti si Enan at naglabas ng folder. Binuklat niya ito sabay nagsimulang magbasa. “Enan you have a quiz?” tanong ni Clarisse. “Oh this one? I am just reviewing my script for the movie” landi ni Enan at napatawa niya yung mga kabarkada niya ngunit walang naniwala. Nag fake cough si Enan sabay habang nagbabasa umaakting ang mga kamay niya. Naintriga tuloy si Shan kaya lumapit siya at nakisilip. “Holy..” bigkas niya kaya lumapit narin si Clarisse at inagaw yung folder. Nanlaki ang mga mata ng dalaga, palipat lipat tingin niya sa script at sa kanilang kaibigan. Tumayo sina Greg, Jason at Tommy at sumilip at lahat sila napatingin kay Enan. “Akin na nga yan, I need to memorize my lines pa” sabi ng binata. “Enan artista ka na talaga?” tanong ni Cla

