H E N R I Bago pa tumunog ang alarm clock ko, nauna na akong magising rito. Ngunit pagmulat ng mga mata ko, naramdaman ko ang paggalaw ng bagay sa kinalalagyan ng aking ulo. Nang unti-unti kong mapagtanto na hindi 'yon unan, marahan akong tumingala at nagulat sa aking nakita. Nakahiga ako sa dibdib ni Scott. Napalunok ako habang hindi gumagalaw. Hindi pa ito gising at kasalukuyang mahimbing pang natutulog. Mukhang hindi ito umuwi kagabi. Or should I say, he didn't go home because of me? Pareho kaming nakasuot ng aming mga uniporme at hindi na nakapagpalit ng damit. Hindi ko inalis ang aking ulo sa kanyang dibdib. Dinama ko ang bawat niyang paghinga. I don't know but I don't feel like getting up now. Gusto ko munang tumambay sa dibdib niya saglit. I fell asleep last night habang nak

