H E N R I "You did the right thing!" malakas kong sabi kay Scott nang makalabas kami mula sa loob ng bar na 'yon. Tumingin pa ako sa aking likuran habang hila-hila pa rin ni Scott ang kamay ko. "He must be regretting right now." I added. Ngumisi ako at tumingin kay Scott na dire-diretso lang maglakad papunta sa harap ng Ferrari kung saan ito nakaparada. Huminto kami sa harap no'n at binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Hinarap ako nito nang kunot ang noo at seryoso ang mukha. Mukhang sa itsura niyang ito, hindi siya natutuwa, katulad kung paano ako matuwa sa nakuha ng lalakeng iyon sa loob. "Hindi mo na dapat pinatulan pa 'yong lalake," kalmado ngunit halata ang inis sa boses niya habang tinitingnan ako. Napakunot ang noo ko. "You're the one who punched him and not me, Scott. H

