Whisper 41 Pagmulat ng kanyang mga mata, isang pamilyar na amoy ang kanyang nalalanghap. Sa kanyang pagtingin leeg ni Austine ang kanyang nakita.Tumambad din ang naglalakihang braso nito at dibdib. Hindi niya magawang makapalag dahil mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagpintig ng ulo at nakuha niyang mapapikit. "S-sir?" bulong niya at minulat naman nito ang mga mata. Nahiyang tumingin si Precious at binitiwan siya ni Austine. Nakatihaya lang ito at mukhang inaantok pa ang lalaki. Pinilit niyang bumangon at lumabas ng kuwarto. Agad niyang sinilip ang alagang si Archer na natutulog pa rin. Napatingin siya sa orasan at alas sais pa lang ng umaga. Paubo-ubo siya habang inaabot ang pagkain sa frigde. Hindi niya alam kung anong pagkain ang paborito ni Austine at A

