Careless 29 FLASHBACK Hawak ni Austine ang cellphone niya habang pinanunuod ang video ni Precious. "Hindi ko akalain na hanggang ngayon, gusto mo pa rin ang kantang ito. Salamat sa taong nag-upload nito. Tama ang desisyon ko na balikan ka, may bagay lang tayo na hindi pinagkaintindihan," giit ng binata. Pababa siya ng eroplano na lumapag sa Pilipinas. Sa nakalipas na panahon, napagtanto niyang hindi siya masaya sa buhay niya sa Los Angeles. Palaging may kulang sa tuwing paggising niya. Para bang may hinahanap siya, mula nakita niya ang video ni Precious. Hindi na siya nagdalawang isip na muling bumalik sa Pilipinas. "Alam kong naging padalos-dalos tayo sa galit, kaya tayo naghiwalay. But this time, babalikan kita. Nandito na ako, I love you my Precious." Walang kaalam-alam ang kanyan

