Careless 27 FLASHBACK Hinalungkat ni Precious ang kanyang mga lumang damit dahil sa kanilang dinner date ni Doctor Aki. Kinakabahan siya habang nakatingin sa salamin. "Jobert maganda ba?" "Ay wow! Bakla! Maganda 'yan!" aniya ni Jobert at pinalo ang puwitan niya. "Sinabi ko na nga ba at type ka ng Doctor na iyan," giit ni nanay Luz. "Friendly date lang naman po ito! Basta huwag pong mag assume at mag-expect, nang hindi masaktan." "E'di nag-expect ka rin!" tili ni Jobert dahil bigla nilang narinig ang busina sa labas. "Go girl! Galingan mong humalik ha!" aniya ni Jobert. Nakatikhim naman ito ng sapok kay nanay Luz. "Baliw ka talaga! Tatahiin ko ang bibig mo Jobert!" giit ni nanay Luz. "Nako, mauuna na apo ako! Ba-bye!" hinalikan ni Precious si nanay Luz sa noo at kinurot naman niy

