Thea felt relieved when Vance came to fetch her. Parang walang nangyari kaninang hindi maganda dahil masaya ulit silang nagkuwentuhan habang papunta sa restaurant. Mac immediately rose up when he saw them. May kasama itong magandang babae. Hinapit naman siya sa baywang ni Vance habang papunta sa table ng mga ito. Pansin niya ang sulyap ng mga taong nadadaanan nila. It must be because of Vance brown boots, black jeans, and long sleeve polo, folded up to his elbow. Ang guwapo kasi tingnan. “Your dress is too sexy you’re drawing attention.” Bulong ni Vance sa kanya. Napatingala siya sa mukha ng nobyo. Seryoso naman itong sumulyap sa kanya. “Ikaw kaya ang tinitingnan.” Natatawa naman niyang tugon. He only answered her with a pinch on her belly as he draws her closer to him. “Ang higpit

