Strictly for Mature Readers Only. “Wala bang celebration mamaya para sa birthday niyo?” tanong ni Thea kay Vance habang papunta na sila sa condo niya. Lagi kasi siya noong may invitation kapag birthday ng triplets kaya hinding-hindi niya makakalimutan ang birthday nito. “We stopped celebrating it with a lot of people after college. Kaming tatlo na lang ang nagce-celebrate. Inuman maghapon at magdamag.” He said glancing at her. “Baka wala ka ng energy mamaya para sa inuman niyo.” Natatawa niyang biro. Vance smiled. “I don’t mind skipping that celebration. I already received the best gift I could ever have for my birthday.” Kindat nito. Her heart fluttered. “Ako ba?” Natatawa niyang tanong. “Hindi.” Natatawa rin nitong tugon. “Paasa.” Irap niya sa binata. Natatawa naman nitong hinu

