Inis na bumangon si Thea nang hindi tumigil ang pagtunog ng doorbell. Madaling-araw na siyang nakatulog tapos may manggigising pa ng umagang-umaga. She went to the bathroom and fixed herself. Kahit naghilamos na siya at lahat ay parang antok na antok pa rin siya. She walked half-awake towards the door. Buti na lang kabisado niya ang buong unit kaya kahit nakapikit ay alam niya kung saan maglalakad. A familiar man’s scent filled her nostrils the moment she opened the door. Napamulagat pa siya. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Vance. “Good morning, sweetheart.” He greeted. Nagising pa ang buong diwa niya sa masigla nitong pagbati. Vance is holding a bouquet of her favorite flowers and a brown paper bag. “I brought something for breakfast.” Nakangiti nitong itinaas ang paperb

