AFTER 3YRS "Congratulation Mahal ko." Malambing na sinalubong ni Keith ang asawa at inabot dito ang dala dalang bulaklak pero imbis na kunin sa kanya ang bulaklak ay sinunggaban lang sya ng mahigpit na yakap na parang walang pakialam kung masira man ang bulaklak na hawak hawak nya. "Woooohh..." Natatawa naman syang gumanti din dito ng yakap. Hinapit ng isa nyang kamay ang baywang nito samantalang ang isa naman ay hawak hawak parin ang bulaklak. Buti nalang at mabilis nyang naiiwas dito ang mga iyon, kundi kawawa sana ang mga iyon. Paniguradong masisira dahil sa higpit na yakap nito. "Thank you Manong. I'm very happy..finally!! I graduated." Impit na tili nito. Napangiti sya. Yes, masayang masaya din sya dahil finally ay nakapagtapos na din ito ng course nito. her four years in colle

