Chapter 4

1703 Words
Akala nya, okey na sya. Makakahanap na sya ng tutulong sa kanya. Hindi pala. "Sigurado ka bang iyang ang anak ni General Ignacio? Tiba tiba tayo pag nagkataon. Malaki ang pabuya diyan." Aksedente nyang narinig ang dalawang nag uusap. Nagtago sya para hindi sya mapansin ng mga ito. Nagpaalam kasi syang gagamit ng CR pero hindi napansin ng mga ito na bumalik sya para kunin ang bag na naiwan sa upuan nya kanina. "Naitawag mo na ba?" Halatang excited pa ang isang pulis. "Oo. At papunta na sila dito para sunduin ang bata." Nakangising sagot naman ng lalaking umasikaso sa kanya kanina. Nagpalipas pa sya ng ilang minuto bago tumikhim para malaman ng mga ito na bumalik sya. Kumuha sya ng tyempo para makalabas. Pagkalabas na pagkalabas nya ay sakto namang may tumigil na jeep sa harap nya kaya agad syang sumakay doon. Papalayo na ang jeep ng tumanaw uli sya sa presento. Nakababa na lahat ng pasahero pero nakasakay parin sya. "Ineng, saan ka bababa?" Tanong ng driver. Hindi nya alam ang isasagot. Nasaan na ba sya? "Sa sakayan ng bus po." Iyon ang nanulas sa kanyang bibig. Bigla itong tumigil. "Bumababa kana dito dahil nakalagpas na tayo. Lakarin mo nalang pabalik dahil hindi pa naman tayo kalayuan." Sabi nito habang nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror. Napakutkot sya sa daliri. "K-kuya. Wala po akong pera. Hindi po ako nagbigay ng pamasahe." Guilty nyang sabi dito. "Ano pa nga ba ang magagawa ko. Bumababa kana." Hindi nya alam kung galit ba ang mama. "Salamat ho." Mahina nyang sabi saka na sya tahimik na bumaba. "Ineng bumalik ka dito at kunin mo ito." Sabi nito ng baba na sya. Maang syang napalingon. "Lapit." Sabi nito kaya pumasok sya pabalik. May inabot itong isang daan. "Pantawid gutom. Pansinsya na dahil mahina ang pasada ko ngayon." Pilit nyang nilulunok ang barang humarang sa kanyang lalamunan. Pikit mata nyang inabot ang perang inaabot nito. "S-salamat po." Bahagyang pumiyok ang kanyang boses. "Sige. Mag ingat ka." Tanghali na naman kaya tirik na naman ang araw. At hito sya ngayon. Palakad lakad sa kalsada sa katirikan ng araw. Malapot na din ang laway nya dahil sa sobrang uhaw. Hindi pa sya nakakapananghalian. Buti nalang at pinagkape pa sya sa presento kanina kaya okey lang na hindi sya nakapagbreakfast. Tumigil sya sa isang karenderya. Ikakain nalang siguro nya ang isang daan na binigay ng driver kanina. Agad syang uminom sa tubig na nasa lamesa habang hinihintay ang kanyang pagkain. Inilibot nya ang tingin sa loob. Medyo malaki din ang karenderya at maraming kumakain. Wanted dishwasher. Parang nabuhayan uli sya ng loob. Tumayo sya at lumapit sa counter. "Ate. Hiring pa po ba kayo?" Tanong nya. "Bakit intresado ka?" Balik na tanong nito. "Kailangan mong magpasa ng resume at NBI clearance. Huh? Dishwasher lang naman. Kailangan pa pala ang mga iyon. "Wala po akong dala e." Napakamot sya sa ulo. "Ano ba iyan Gina?" Tanong ng matandang parang chinese ang itsura. Mataba ito at parang ginuhit lang ang kilay. "Eh mommy, gusto nya pong mag apply pero wala naman po syang kahit na anong dala." Sagot nito sa matandang mataba. Tinignan sya nito at parang pinag aralan ang kanyang itsura. Lumabas ito. "Sumunod ka sa akin." Wika nito kaya tahimik syang sumunod. "Mommy. May order po na pagkain iyan." Sabi naman ng dalagitang hula nya ay kaedad lang nya. "Isunod mo nalang sa amin." Umupo sila sa pinakadulo. "Anong pangalan mo?" Tanong nito habang sineserve ang pagkain sa kanyang harapan. "Kumain ka lang habang iniinterview kita." Nakita yata nitong nag aalangan syang galawin ang kanyang pagkain. May pagmamadali nyang kinuha ang kutsara at sunod sunod ang kanyang pagsubo. Naglagay ito ng tubig sa baso at tinulak iyon sa harap nya kaya nahihiya syang napatingin dito. "Sige ituloy mo lang." Wika nito na parang pinag aaralan ang galaw nya. Medyo nailang sya. "Anong pangalan mo?" "B-Beauty Gomez po." Paninindigan na sya ang pangalan na iyon dahil napapahamak sya sa totoo nyang pangalan. "Taga saan ka?" "Mindoro po." Hindi sya guilty dahil totoo namang taga Mindoro sya. "Ang layo. Papaano ka napadpad dito." Anong tatahiin na naman nyang kasinungalingan ngayon. "Sumama po ako sa isang kamag anak po namin pero napahiwalay po ako sa kanya." Alam nyang hindi sya magaling umarte. Lalong lalo na sa pagsisinungaling. "Sige. Tatanggapin kita. Mukha namang wala kang matitirhan. Sa second floor ay tuluyan ng mga trabahador dito. Dito kana din tumuloy. Ang trabaho ay hanggang alas dyes ng gabi at alas kwarto ng umaga ay dapat nakababa na kayo dito dahil magsisimula na ang trabaho. Walang bayad sa over time dahil iyon na ang sasagot sa gastosin nyo dito dahil libre lahat sa inyo." Paliwanag nito. Hindi na sya nagdalawang isip na tanggapin iyon dahil kailangan nya ng matutuluyan. Mahirap ang naging buhay nya sa canteen dahil wala naman kasi syang alam na gawain. Palagi syang napapagalitan dahil mali mali ang ginagawa nya tapos madami pa syang nababasag. May sugat nga sya sa kanyang kamay dahil sa nabasag nyang baso. Pero kailangan nyang lunukin lahat. Kailangan nyang tiisin ang hirap dahil wala naman syang ibang matutuluyan. Walang ibang mag aasikaso sa kanya kundi sarili lang nya. Ramdam nya ang awa ng mga kasama nya sa kanya. Pero wala iyon sa awa na nararamdaman nya sa sarili nya. Tahimik syang lumuluha habang nilalabhan ang damit nya. Tinitiis nya ang hapdi ng kamay dahil may sugat sya doon. May karapatan ba syang magreklamo? Minsan Tinatanong nya ang Diyos kung bakit sya binigyan ng ganoong kabigat na pagsubok, mabait naman sya. Masunuring anak. Minsan lang syang sumuway pero bakit ang bigat ng kapalit. Kahit anong pilit nyang balikan sa isip ang nangyari ng gabing iyon ay hindi talaga nya makapa sa isip. Kaya pag lumaki ang anak nya tapos nagtanong ito tungkol sa ama nito ay wala syang maisasagot dito dahil wala talaga syang maalala bukod sa nagising syang masakit ang katawan at punong puno ng marka ang katawan. "Hay naku Beauty. Hindi matatapos ang nilalabhan mo kung iiyakan mo iyan." Sabi ni Marie na nakisalo nadin sa plangganang nasa harapan nya. Pinahid nya ang luha gamit ang braso. "Ano kaya pa?" Tanong nito na pilit itinatago ang pag aalala sa boses. Ito ang palaging pumapansin sa kanya at matiyagang nagtuturo sa kanya ng mga bagay bagay. Hangga nga sya dito. Matanda lang ito ng isang taon sa kanya pero ang dami dami na nitong alam. Sa kanilang magkakasama ay sya ang pinakabata. Tumango lang sya dahil alam nyang mauuwi sa hagulgol pag nagsalita sya. Pinanood nalang nya itong kinusot kusot ang damit nya. "Ganito ang tamang paglalaba. Kusutin ang bandanh kili- kili at leeg ng damit. Kusot dito kusit dyan, tapos. Tapos ang pante. Importante ang pundya. Ito na ang naglaba ng damit sya. Tinatandaan nya lahat ng mga turo nito sa kanya. Dumaan ang buwang. Paunti unti ay natuto na sya sa mga iba't ibang gawain. Marunong na syang maglaba. Natututo na din syang magluto. Habang nagtatagal sya sa karenderya ay unti unting nalaman ng mga ito ang totoong kalagayan nya at nalaman din ng amo nila kaya sya ipinatawag. Natatakot na naman sya baka paalisin sya. "Totoo na buntis ka?" Taas kilay na tanong ng Mommy nila. Mommy ang tawag nila sa amo nila. Napayuko sya ng ulo. "O-opo Mommy." Amin nya. "Bakit hindi mo sinabi agad. Papaano kung may nangyaring masama sayo at sa baby mo dahil sa dami ng trabaho mo?" Nangingilid na ang kanyang luha. "B-baka po kasi hindi nyo ako tanggapin pag nalaman nyo." Nahihiya nyang amin. "Malapit na talaga. Malapit na din kitang tanggalin dahil sa dami ng kapalpakan mo tapos malalaman ko pang buntis ka." Masungit na sabi nito. Kumawala ang kanyang luha. "Mommy, please. Huwag nyo po akong paalisin. Wala po akong mapupuntahang iba. Okey naman po ako. Kaya ko naman ang trabaho." Pagmamakaawa nya. Nakakatakot din ito. Masungit kasi. Palagi itong nagagalit sa kanya. Tinitigan sya nito na parang nasusuya na ang itsura sa kanya. "Kung hindi lang talaga ako naawa sayo matagal na kitang pinaalis. Mula bukas ay sa cashier kana pupwesto. Hindi kana din obligadong gumising ng madaling araw pero dapat alas sais ng umaga ay nandito kana sa baba. Sa gabi ay tumulong ka nalang na maghiwa ng mga sangkap na gagamitin kinaumagahan." Parang nabunutan sya ng tinik sa dibdib. Hindi nya mapigilan ang sarili na yakapin ito. "Thank you po. Salamat po Mommy." Hindi nya mapigilan ang mapahagulgol. "Sshhh... tahan na baka mapano pa ang baby mo. Nakita ko kung ano ang hirap mo at pagsisikap na matututo. Magpasalamat ka sa mga kasama mo dahil sila din ang nakiusap na huwag kang tanggalin. Sasabihin ko ito sayo pero sana ay huwag lumaki ang ulo mo. Natutuwa ako sayo dahil marunong kang makisama. Marunong kang makinig sa mga tinuturo sayo at hindi ka mareklamo kahit nahihirapan kana. Ipagpatuloy mo lang iyang ganyang ugali. At the end of the day, aanihin mo din ang bunga ng mga iyan." Pangaral nito sa kanya. Tumango tango lang sya habang patuloy parin tumutulo ang luha nya. Natuwa ang mga kasamahan nya pero mayroon din nainis. "Ang swerte naman. Iba din talaga pag magaling sumipsip." Parinig ng isa sa mga kasamahan nila. Tumawa naman si Randy. "Sumipsip ka din kasi. Papaano ka mapapansin kung palaging madilim ang mukha mo." Pang iinis naman nito sa Jessa. Wala itong masyadong kaclose sa mga kasamahan nila. Dumaan ang buwan. Malaki na ang tyan nya. Unti unti na din syang nakakabili ng gamit ng anak nya sa tulong din ng mga kasamahan nya. Unti unti na din nyang natatanggap ang kapalaran. Unti unti na nyang natatanggap na magiging ina na talaga sya. Palagi parin nyang naaalala ang mga magulang. Halos gabi gabi nyang pinapanalangin na sana ay dumating ang araw na mapatawad na sya ng mga ito. Namimiss na nya ang pang bibaby ng kanyang ama sa kanya. Ang pang ispoiled nito. Palagi nilang pinagkakampihan ang kanyang ina kaya palagi itong natatalo sa kanila. Ang ending palagi ay napipikon ito at doon na aamohin ng kanyang ama. Ang kuya nya na mahal na mahal sya. Wala ito ng umalis sya dahil nasa ibang bansa ito. Siguro, magagalit din ito sa kanya ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD