"Pwede ba akong makisabay sa inyo?" Halos sabay silang napalingon ni Marga ng may biglang nagsalita sa kanilang likoran. Medyo ginabi na sila kaya silang dalawa nalang ni Marga ang nahuli sa kanilang lima dahil katatapos lang nilang magaudition sa dance group na gusto nitong salihan. "Oi Brix, ikaw pala." Kitang kita nya ang pagkurap kurap ng mata ni Marga na halatang nagpapacute sa lalaki. Mahinang natawa naman ang binata at napahaplos pa sa batok. "Ginabi yata kayo? Kumusta ang audition." Baling nito sa kanya. Kimi nya itong nginitian. "Wala pang result. Malalaman palang sa Monday kung makakasali kami." Sagot sya. "Hehe.. panigurado ng pasok kami doon." Tiwalang sabi naman ni Marga. "Gusto nyo bang kumain muna bago umuwi?"yaya ni Brix. Nanlaki ang mata ni Marga. "Su---" "Huwag

